Chapter 2

16 2 0
                                    

Elaine's POV:

Naimulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang katok ni tita.

"gising na. alas sais na!" sabi ni tita sa labas ng kwarto ko.

"gising na po ta!" sagot ko habang naka higa parin, pero agad naman akong bumangon at nagtungo sa cr.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa malaking salaming nasa kwarto ko. Bagay naman sakin tong uniform ko at sapatos sakin. Umikot ikot pa ako. At nagmadaling bumaba. Nakahanda na ang mesa. Nakabalot narin ang baon ko na nasa lunch box.

'sayang walang anak si tita, napaka swerte siguro niya kung nagkataon. Masipag at maasikaso ang mama niya. tsk! tsk! tsk!.

"ta, bakit kayo pa po ang nag'aasikaso sa pagkain at baon ko? Dapat po ako na ang naghahanda niyan. Naaabala pa tuloy kayo. Kayo na nga po tong nagpapa'aral sakin e. Tapos kayo pa po gagawa ng mga yan. Ako no po yan." Pagbabawi ko sa paghahain niya ng pagkain para sa aming dalawa.
"maupo na po kayo at ako na ang bahala rito." inalalayan ko si tita sa upuan na nasa tapat niya. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng kanin, ulam na niluto niya, plato, kutsara, tinidor at baso. Inilapag ko lahat ito sa mesa at kumain na kami agad. Pagkatapos ay umalis kami ng bahay.

"Dito ka dapat sasakay ng jeep" turo niya sa kalsadang kinatatayuan namin."lahat ng jeep na dumadaan dito ay dumadaan din sa school mo. Kaya dapat dito ka parating mag'abang."

Isang liko lang to sa bahay nila tita kaya malapit lang.

"opo"tanging nasambit ko na lang.

"o, ito na pala e." sabi niya habang nakatingin sa jeep na dumarating.

Sumakay kaming dalawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa school ko. Pinauwi ko naman siya agad. At agad din naman akong pumasok at pumunta sa office kung saan ako nagpa'enroll.

"Sir" tawag ko sa lalaking naka uniform pang teacher. Naalala kong siya ang nag asikaso at nag'enroll sakin kahapon.

"Bakit?" sagot niya.

"Alam niyo po ba kung saang section ako?

"Anong name mo?" sabay kuha niya sa mga papel na nasa mesa niya.

"Elaine May Santigo po"sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"TVL Strand, Computer Servicing?" pagbabanggit niya sa kinuha kong Strand.

"opo"

"Nasa TVL D ka. Sa first floor and first room rin." Sabi niya na parang nagbabasa sa mga papel na hawak niya.

"sorry po sir, pero hindi ko po alam yun eh, first time ko po dito sa paaralan na to." nakakamot sa ulong sabi ko.

"ah, ganon ba."natatawang sabi nito."pasinsya na, akala ko kasi dito ka nag'aral dati e."

"okay lang po." nakangising sabi ko

"sige, ihahatid nalang kita sa room mo." pagprepresinta niya.

"sige po sir."

Hinatid niya nga ako sa room na sinasabi niya. Marami na ang mga taong nandoon, at may teacher narin sa harapan.

'oh my god! first class, late!! Lagot ako nito kay tita kung malaman niyang nalate ako. huhuhu'

"Maam Sheila" tawag niya sa teacher na nasa loob. Si maam palang ang nakakakita sakin, dahil natatakpan ako ng pader sa may pintuan. Lumapit naman agad yung teacher samin.

"Bakit Sir?" tanong nong teacher na mukha pang dalaga.

"a, ito pala si Elaine May Santigo, transferee siya. Ngayon pa lang siya nag'aral dito, kaya please paasikaso lang muna siya. Hindi pa niya alam ang pasikot sikot dito." sabi ng lalaking nag aasikaso sa akin.

"sige sir." nakangiting sabi nito at tiningnan ako. Pinanood muna namin ni maam na umalis yung sir. Hinawakan ako ni maam sa balikat at pinapasok sa room.

Nakatingin ngayon silang lahat sakin.

'nakakahiya. aysst.'

"Good morning class, siya ang bago niyong kaklase. Ngayon lang siya dito nag'aral, kaya maging mabait kayo sa kanya, okay?" sabi ni maam habang nasa unahan kami.

"okay po maam sheila" sabi nilang lahat.

"maam sheila?"tumayo ang isang magandang babae na nakataas ang kamay

"bakit juovie?"

"pwede po ba siyang magpakilala sa harap?"

Nagulat ako sa tanong niya pero inaasahan kana naman to e, pero nakakakaba parin. Hindi ako sanay sa ganto. Wala akong kilala maski isa sa kanila. Lumingon ako kay maam at pinakita ko ang pagmamakaawa sa mga mukha ko.

"oo naman!" nakangiting sabi nito habang naka harap sakin.

'tsk! wa epik pagmamakaawa face ko. Ano ba naman to wala na kong lusot.'

"sige na, magpakilala kana." mahinang sabi sakin ni maam at naupo na sa mesa niya at nag aantay na magsalita ako.

Wala na akong choice. Nakakabwesit naman.

"uhm!"paglilinis ko sa lalamunan ko.
"My name is Elaine May Santigo, I came from Samar. And my last school is, Samar State University. Yes, as you can see, maliit ako, hindi ako matangkad gaya ng nakararami sa inyo, but, if you know me deeper, I am a best friend material, I am crazy, I give advices and lot more. So I'm not begging you not to judge me. But I will say, don't judge me because of my appearance. I dont like judgement 'coz I don't judge people. Mabait akong tao kaya gusto ko lang naman gawin niyo kung ano ang ginagawa ko sa iba. Okay lang naman sakin biruin niyo ako sa height ko, pero biro lang, hindi yung totoong husga ang maririnig ko mula sa inyo. Sorry for being frank, pero kasi gusto ko lang naman na tratuhin niyo ako gaya ng pagtrato niyo sa ibang tao. Just treat me like others. Thank you." nag bow pa ako sa harap nilang lahat, kasama na si maam.
"Maam sheila san po ang upuan ko?" baling ko kay maam.

Hindi siya agad nakasagot. Nilibot ko lahat ang buong room, tiningnan ko silang lahat. Nagulat nalang ako na lahat sila ay naka nganga.

"bakit may nasabi ba akong mali?"takang tanong ko sa kanila pati narin kay maam.

pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak,pak

Huh? bakit sila nagpalakpakan?
Para silang tangang nakatingin sakin na parang amaze na amaze.

"maam,san po ang upuan ko?" linapitan ko na si maam at parang nabigla nang makalapit na ako.

"a-ah, doon." turo niya sa isang upuan na wala ni isang katabi. Ito ay banda sa likuran. Mas maganda to kasi nag aadjust pa lang ako.

Nagtungo na ako sa upuan ko at naupo roon. Pero ang mga classmate ko ay nakatingin parin sakin. Lahat ng kilos ko ay nakatingin sila.

"bakit?" pabulong na tanong ko sa kanila at agad na nagsilipat ng tingin. Humarap na sila sa kay maam.

Someone's POV:

Tinitingnan ko siya paminsan minsa. Hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa pagsusulat. Minsan tumitingin sa blackboard at titingin naman uli sa notebook niya.

Simple lang siya, pero lakas ng epikto niya sakin. Medyo maitim siya.

'Galing nga talaga siya sa samar, tsk! tsk! tsk!'

Natatawa ako sa naisip ko. Hindi naman siya masyadong maganda pero nakakabilib talaga ang personality niya. Gusto ko pa siyang makilala. Gusto kong malaman lahat-lahat sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

please follow me 😃😃

I Love You All (mwaaa😙😙😙😙)

@yalynnnn

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon