Chapter 12

6 1 0
                                    

Chito's POV:

Linggo ngayon kaya magiging busy kami ni juovie na magpraktes ng martial arts.

Hindi parin ako mapakali hanggang ngayon dahil sa pag'alis ni Elaine sa bar kagabe. Hindi kona siya nahabol kasi tong si Juovie naman ay nawalan ng malay. Nagtanong-tanong ako doon sa labas ng bar na pinontahan namin at may nakapag sabi naman na sumakay siya ng taxi. Pero bago to ay iyak daw siya ng iyak. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila kung maayos lang siya at gusto ko ring humingi ng tawad doon sa mga sinabi ni Juovie. Alam ko namang, dala lang yun ng emosyon ni Juovie, siguro dahil hindi parin ito makapaniwala. Pero hindi ko magawang umalis dahil alam kong mas matindi at mas matagal ang praktes namin ngayon dahil nga, ito na ang huling training namin.

"ready na ba kayo?"tanong nong nagtre-train samin.

"ready na ako."sabi ni juovie at tumayo sa kinauupoan niya.

Nagsparring na sila ng trainer namin. Kita sa mga tadyak, suntok, siko, lahat ng galaw ni Juovie, ay may halong galit. Malalakas ito, at kahit trainer namin ay nahihirapang salagin at iwasan ang mga ito.

"very good Juovie! Laki ng improvement mo."namamanghang ani ng trainer namin."chito, ikaw naman."baling niya sakin.

Naglakad naman ako papunta sa kanya at si juovie naman ay gumilid. Nakipag'sparring ako sa kaniya at kalmado lang ang bawat atake ko. Pero alam ko naman na, sa bawat suntok at sipa na pinapakawalan ko ay malakas.

"very good!! Ang gagaling niyo na. Sapat lang na ito na ang huling training niyo dahil malaki ang improvements niyo. Masasabi ko ngayon na handa na talaga kayong sumabak sa labanan." nakangiting sabi niya habang tagaktak ang pawes namin. "Pagkatapos ng break ay mas marami na kayong makakalaban kaya magpahinga kayo ng maayos."sabi niya samin.

"opo."sabay naming sagot ni Juovie.

Pumunta ako sa pwesto ko kanina at kinuha ang tubig. Kinuha kona rin yung tubig ni Juovie at ibinigay sa kanya.

"okay ka lang?"tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng pawis.

"oo."ininom niya yung tubig.

"so pano na to? Wala na ba talaga?"pag'oopen ko tungkol sa sinabi niya kagabe doon sa bar kay Elaine.

"diko alam. Diko alam gagawin ko. Siguro papalipasin ko lang muna to."sabi niya habang pinupunasan na rin ang pawes sa mukha.

"ikaw bahala."ininom ko na yung tubig ko.

"pero pano kayo?"sabi niya habang umuupo.

"wala namang kami e. Pero diko naman siya pababayaan. Palihim ko parin siyang babantayan."umupo na rin ako sa tabi niya.

"okay lang naman saking lapitan mo siya e. Kami lang naman ang may problema. Hindi ka kasali don."

"hindi, okay lang sakin. Magiging akward naman kung magiging ganon."

"bahala ka."nasambit niya nalang.

Hindi na ako kumibo pa. Inihiga ko nalang ang likod ko sa may pader at nagpahinga.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakita kong bumalik ang trainer namin na may dalawang kasama.

"kala ko ba marami. Dalawa lang pala e. Ano ba yan."mahinang sabi ko kay juovie. Natawa naman siya ng bahagya.

"sige na simulan na!"sigaw nong trainer namin."walang rules dito! Kahit masugatan ka, kahit mabalian ka pa ipapagpatuloy parin ang laban!"sigaw niya pa.

'walang rules?' Lahat pwede mong gawin?' sa isip ko.

"Juovie, Chito!! kailangan niyo ng teem work, talas ng isip at pakiramdam! Marami pa ang kalaban, nasa paligid lang natin! Kahit anong oras ay pwede nila kayong sugorin! Kaya maghanda kayo!!"sigaw paring dagdag niya.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon