Chapter 1-First Time

22 2 0
                                    

Elaine's POV:

Gumising ako ng maaga dahil ngayon daw ako magpapa'enroll sa papasokan kong paaralan na isang sakayan pa daw sabi ni tita.

Habang nakaupo ako sa kama ko ay naalala ko ang pag alis ko sa probinsiya.

-flashback-

Umiiyak akong naglalakad papuntang sakayan ng bus.

"o, anak wag ka nang umiyak, wag kang mag'alala, dadalaw naman kami nila papa mo tuwing bakasyon e." pagpapatahan sakin ni mama.

"ate mag-iingat ka a! mahal na mahal kita. Kung may problema ka o kaya namimiss mo na ako, e txt mo nalang ako or i-chat sa facebook." umiiyak na sabi nito.

"oo, wag mong papabayaan sila mama at papa ha?"

"opo.!" sabi nito habang naka salute pa.

"para kang tanga."natatawang sabi ko sa kanya

Tumawa naman siya pati sila mama.

"anak mag'iingat ka doon ha,? wag magpapasaway sa tita mo baka pauwiin ka kaagad dito" natatawang sabi ni papa.

"ay ate magpasaway ka parati kay tita, para makauwi ka kaagad" natatawa pang sabi niya.

Kinatungan siya ni mama, pero dinaman malakas."lokong batang to. Pano makakapag aral yan kung pauuwiin mo agad?" natatawang sabi ni mama.

"loko ka talaga!"sabi ko kay meme habang bahagyang natatawa rin.

"anak, andito na ang bus na sasakyan mo." sabi ni papa nang makarating na kami sa sakayan ng bus at binuhat niya ang mga gamit ko.

Yumakap naman ako kila mama at meme habang sinasakay ni papa ang mga gamit ko sa bus. Pagdating ni papa ay niyakap ko rin sya.

"mamimiss ko po kayo pa, wag kayong masyadong magpagod sa pangingisda a?" bulong ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa.

"oo naman anak, wag kang mag-alala samin, alalahanin mo ang sarili mo, magpapakabait ka ha."

"opo pa."

"o, sige na sumakay kana baka maiwan kapa e."

Naglakad na ako papunta sa bus. Nasa pintuan na ako at nakasakay na ang isa kong paa.

"nak! tawag ka samin pagnakarating kana kila tita mo a!!" sigaw ni papa.

Tumango naman ako at kumaway na sa kanila. Kumaway naman silang tatlo sa akin. Tumalikod na ako upang maghanap ng upuan.

"Makakabalik din ako dito." bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa unang upuan malapit sa pintuan.

-end of flashback-

Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa cr. Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong naligo at bumaba.

"o, hali kana at magtatanghali na." sabi ni tita hellen na nakatayo na sa sofa at bihis na.

"sorry po kung natagalan ako, di na po mauulit." pagpapa'umanhin ko sa kanya.

"ano kaba? okay lang yun, atsaka bago ka palang dito at state of adjustment ka palang kaya naiintindihan kita." naka ngiting sambit nito.

"salamat po, pero hindi pa po ako kumakain e." napapahiyang sabi ko, dahil nakakahiya naman talaga, pero kasi nagugutom na ako.

"ah, wag kang mag'alala dahil sa labas tayo kakain mamaya"

"talaga po!?" manghang tanong ko.

"oo naman. Dahil first time mo dito, ipapasyal narin kita. Pupunta tayo sa mga mall. At bibili narin ng school supplies mo." nakangiting sabi nito.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon