Chapter 11

9 2 0
                                    

Elaine's POV:

Napatigil ako sa pagkain, pero naka hawak parin ako sa kutsara.

'Totoo ba talaga to? Hindi, hindi. Imposible.'sa isip isip ko.

"p-pero p-pano po nangyari na hindi ko kayo kilala?"nauutal paring sabi ko.

"hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang buong katotohanan"seryoso paring sabi ng mommy ni Juovie.

"s-so, magpinsan po kami ni Elaine mom?"gulat paring tanong ni Juovie. Alam kong nakakagulat ang mga nalaman namin ngayon,

'pero bakit hindi rin alam nila Juovie at Chito? Ano ba talaga ang katutuhanan? Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.'

"hindi."Nakatingin sakin na sagot ng mommy ni Juovie.

"p-pero kala ko ba magkapatid kayo ng mama ni Elaine. Dapat magpinsan kami kung ganon."nalilitong tanong uli ni Juovie.

"basta malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon."tumayo na ito at umalis. Sumunod naman ang daddy ni Juovie.

Kitang kita ko sa mga mukha nila Juovie at Chito ang pagkagulat. Naka'nga-nga parin kaming tatlo. Walang makapagsalita ni isa man samin.

'bakit nila sinasabing hindi kami magpinsan ni juovie kung magkapatid sila ng mama ko? Hindi ko talaga maintindihan ang lahat.'

"s-sige a-akyat na ako. J-Juovie m-mauuna na ako sa kwarto mo."pagpapaalam ko. Tumayo ako at wala sa sariling umakyat at nagtungo sa kwarto ni Juovie.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Juovie's POV:

Nandito ako ngayon sa garden. Nililibang ko ang aking sarili, dahil hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni mommy. Bakit nga ba hindi kami magpinsan kung magkapatid naman sila ng mama ni Elaine? Nakakalito talaga.

Hinayaan ko lang muna si Elaine mapag'isa sa kwarto dahil alam kong magulo ngayon ang utak niya.

"hindi talaga ako makapaniwala."biglang sulpot ni Chito sa likoran ko.

"ako nga rin e. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya nong una ko palang siyang makita."nakangising tugon ko rito.

"pero magka'ano-ano ba talaga kayo kung hindi kayo magpinsan?"

"iwan ko, hindi ko rin alam. Sila mom and dad lang ang makapagsasabi ng totoo."

"baka magkapatid kayo?"napalingon ako sa kaniya sa sinabi nyang ito.

"hindi maaari at imposible. Alam mo namang isang taon lang ang agwat namin ni Elaine. At kung kapatid ko siya, sana may picture manlang siya sa bahay at pinag'uusapan siya nila mommy. Pero kahit isang araw, wala kong narinig sa kanila tungkol sa kapatid ko."

"ganon ba? So ano na gagawin natin? May magbabago ba sa pagkakaibigan natin?"

"wala. Wag kang mag'alala, babalik din tayo sa dati. Ngayon, kailangan lang natin ng time para makapag'isip-isip."

"sige."nasambit nalamang nito.

Tumahimik ang lugar. Wala ni isa samin ang nagsasalita.

Linalanghap ko ang hanging nagmumula sa harden namin. Mabuti na to makakabawas ng stress.

"wag niyong kalilimotan ang training niyo bukas."sabi ni dad habang nasa may pintoan. Lumingon naman kami ni Chito sa kaniya.

"opo."sagot ni chito.

Naglakad si daddy papunta sa tabi namin.

"dad may alam po ba kayo?"seryosong sabi ko habang nakatuon lang ang atensiyon sa mga halaman.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon