Chapter 20

10 0 0
                                    

Someone's POV:

"sir, hindi po namin naabotan."malungkot na sabi ko sa linya.

"mga bobo!! Ang dami dami niyo, tapos isang babae lang hindi niyo mahuli!! Mga walang utak!!"nanggagalaiti sa galit na sabi ni sir.

Naiintindihan ko si sir.

"sobrang bilis niya po kasing magmaniho. Hindi namin siya maabotan at bigla nalang nawala."nanghihinayang na sabi ko.

"kundi kasi sa kabobohan niyo, ang sabi ko wag kayong magpahalata na sinusundan niyo siya!!"

"sir, may mga kasama po siya."

"sino ang mga yun?"

"yung kapatid niya sa ama at yung lalaking anak ng kasosyo ng pamilya niya."

"wag mo silang idamay. Si Elaine lang ang kailangan natin para makapaghiganti sa ginawa ng nanay niya."may tunong galit na sabi niya.

Dati kasi, magkaibigan at magkagroupo si Sir at si Esperanza sa sindikato dito sa Pilipinas. Pero nong makagawa ng isang pagkakamali si Sir ay agad na tinanggal ito sa grupo. Nagpabalik balik si Sir kay Esperanza para humingi ng kapatawaran at upang ibalik siyang muli sa grupo ng sindikato, pero hindi manlang siya pinapansin nito kahit na lumuhod siya sa harapan ng babaeng yun. Sobra itong dinamdam ni sir, kaya ngayon gusto niyang maghiganti sa pamamagitan ng nag'iisang anak nito.

"pano po kung makasagabal sila sa plano natin?"

"basta! ang sinasabi ko sayo, sundin mo! Dahil pagnadamay ang mga yun, ako mismo ang papatay sayo. Naiintindihan mo ba?!"

"opo sir. Kayo ang masusunod."

"dalhin niyo sakin ng buhay si Elaine. Gumawa kayo ng plano... at malilintikan talaga kayo sakin!"

"yes sir."tanging nasambit ko at agad niya namang pinatay ang telepono.

Pinagmasdan ko pa ng maigi ang screen ng cellphone ko. Pero ilang saglit lang ay ibinaba ko na agad ito at isinilid sa bulsa ko.

'Elaine, kailangang mahuli kita sa madaling panahon'sabi ko sa aking isipan na nakatirik ang mga mata dahil sa galit at pananabik na mahuli ito.

------------------------------------------------------------------------------------------

Elaine's POV:

MONDAY

Sabay sabay kaming nagsipasok nila Juovie, Chito at si meme.

"samahan ko lang magpa'enroll tong kapatid ko."sabi ko sa kanila nong nasa loob na kami ng campus.

"sige, mauna na kami sa room. Sabihin nalang namin kay ma'am, baka malate ka."nakangiting sabi ni chito.

"sige."ako.

Naghiwa-hiwalay na kami. Ako at si meme pomunta sa Principal's office.

"Good Morning Sir."masayang bati ko sa principal na nakaupo lang sa swivel chair niya.

"sige pasok."nakangiting sabi niya. Siya rin yung nag'asikaso sakin nong first day ko dito sa school. "Anong atin?"masaya paring dagdag niya.

"sir, magpapa'enroll po kasi ang kapatid ko."

"a, ganon ba? Anong grade kana ija?"baling niya sa kapatid ko.

"grade 8 po sir."seryosong sabi nito.

"sige. Paki sagotan nalang yung form"sabi niya at may ibinigay na long bond paper na maynaka'print na sulat.

Mga isang minutong sinagotan ng kapatid ko yung form at pagkatapos ay ibinigay niya agad ito sa principal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon