Chapter 6

8 2 0
                                    

Chito's POV:

Naiinis talaga ako sa nakita ko kanina. Naiinis akong makita silang dalawa na magkasama at magkausap. Lalo na nong akbayan ni Andy si Elaine, nakakabwesit. Gusto ko siyang sugorin para suntokin. Pero ayoko, kasi nandoon si Elaine. Ayaw kong makita niya ako sa ganon sitwasyon maliban nalang kong siya ang ipinagtatanggol ko.

Sa tuwing tumitingin ako kay Elaine, diko maiwasan ang mainis sa kanya. Hinahayaan niya lang na lapitan siya ng lalaking yun.

"bigyan mo ako ng number mo." sabi ko sa kanya habang nasa room kami.

Palagi na akong nasa tabi niya. Pinapagitnaan namin siya ni Juovie. Ayoko kasing maulit yong nangyari kahapon na pinatabi niya si Andy. Nakakasilos kaya, lalo na nong nakipag-shake hands pa siya. Inis na inis ako non. Wala na kong paki kung mapansin niya. Hindi ko kayang itago sa kanya ang nararamdaman ko.

"Bakit?"takang tanong niya.

"para pag may mangyari sayong masama, matatawagan mo ako."

"huh? diko gets?"nakakunot noong sabi niya.

"alam mo, ang rami mong tanong. Ibigay mo nalang kasi sakin yung number mo."

"alam mo napapansin ko, madalas nang uminit ulo mo sakin. Ano problema mo? May galit kaba sakin, ha?"

Naiiwas ko naman ang paningin ko sa kanya.

"wala. Akina number mo."

"no. diko ibibigay sayo number ko hanggat dimo sinasabi kung ano ang problema."pagmamatigas niya pa.

Ano ba'to, sasabihin ko na ba? Nakakabobo naman kasi to e.

"siguro may gusto ka sakin no?"nakangiting sabi niya.

"ay, lakas din ng apog mo e noh!"

"yun nga pinagtataka ko e. Hindi naman ako matangkad. Hindi rin ako maganda. Mahirap lang kami. Ano ang magugustohan mo sa isang katulad ko?"

"iwan ko sayo."tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko kaya napaupo uli ako.

Hay, I feel heaven. Sana palagi niyang gawin to sakin. Napaka sarap sa pakiramdam.

"alam mo kasi Chito, hindi ako manhid para hindi maramdam ang nararamdaman mo sakin. Sa tuwing may taong nagkakagusto sakin, nalalaman ko agad. Akala mo ba hindi kita nakikita tuwing nakatingin ka sakin. Nakikita kaya kita, noong nagsusulat ako noong kakapasok ko palang dito at doon sa canteen habang kumakain ako. Alam kong nakatingin ka sakin. At akala mo ba hindi ko napapansin ang biglang pag'init ng ulo mo sa tuwing nag'uusap at magkasama kami ni Andy. Hindi ako manhid."siryosong sabi niya.

Nagulat ako doon sa sinabi niya. Hindi ko alam na malakas pala ang pakiramdam ng babaeng to.!

Ano na ang gagawin ko? wala na akong losot nito. Nahuli niya na ako. Wala na akong choice kondi ang ipagtapat sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Oo na! Mahal na kita simula nong una palang kitang makita, parang nagslow motion ang lahat nong pumasok ka sa room, hindi ko nga maintindihan ang nararamdaman ko non e, hindi kanaman kagandahan, hindi karin katangkaran, pero bakit ganito ang nararamdaman ko sayo."

Hindi siya nakapagsalita at halata sa reaction niya na nagulat siya sa sinabi ko. Okay narin to. At least wala na akong tinatago sa kanya.

"kaya gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang Elaine. Akina cellphone mo."sabi ko at iniintay na ibigay niya sakin ang cellphone niya. Dahan dahan niya naman itong kinuha sa bulsa niya at dahan dahan niya ring binibigay sakin kaya inagaw kona ito sa kanya."Naka save narin diyan ang number ko. Tawagan mo agad ako pag'may kailangan ka."at tinalikuran ko na siya. Humarap na ako sa blackboard.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon