Chapter 10

3 1 0
                                    

Elaine's POV:

SABADO na, tulad nga ng sinabi ni Juovie ay ipinaalam niya ako kay tita kahapon ng ihatid nila ako. Salamat naman at pumayag si tita Hellen na doon muna ako mag stay ng 1 week. Oo 1 week talaga, iwan ko ba dyan kay Juovie, ang sabi niya 1 day lang, tapos nong ipinagpaalam niya ako kay tita naging 1 week na. Pero okay lang naman sakin yun kasi wala naman akong kilala dito sa lugar namin kundi si tita lang. Kaya okay na sakin, at least may makakabonding na ako sa 1 week na yun.

Heto ako ngayon at nag'iimpaki ng mga damit. Halos lumobo na nga ang bag ko dahil sa dami.

"ta alis na po ako."paalam ko ng makababa ako ng kwarto.

"mag'iingat ka."seryosong sabi nito habang naka'upo sa sofa.

"opo tita. Pano po kayo dito?"nag'aalalang tanong ko dahil alam kong mag'isa lang siya.

"wag mo kong alalahanin. Basta bumalik ka kagad."

"opo."

"sige na lumakad kana at magtatanghali na."tumayo sya at inihatid ako sa may pintoan.

"sige po ta, aalis na ako."masayang paalam ko.

Nakita ko pang pumasok si tita sa bahay. Naglakad na ako papuntang sakayan at nakita kong nakaparada ang kotse ni Juovie. Kaya dali dali akong nagtungo don at pinasakay niya naman ako.

"ready kana ba?"nakangiting tanong niya at tumango naman ako sa kanya bilang tugon."here we go."pinaandar niya na ang kotse.

"mabait ba talaga mommy mo?"natatakot na tanong ko. Dahil baka hindi nila ako magustohan at pauwiin nalang ako.

"don't worry, my mom is a kind person. You will never regret that you meet her."masaya paring sabi niya habang nakatoon lang sa daan ang mga mata niya.

"sabi mo yan ha! Pagpina'alis nila ako sa bahay niyo, dina kita papansinin kahit kailan."seryosong usal ko dahil natatakot talaga ako.

"ano kaba? relax lang! Hindi yun mangyayari, wag kang mag'alala."lumingon siya sakin at tumalikod agad.

Tumahimik na ako. Sobrang kabang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag, hindi ko alam kung natatakot or naeexcite. Hindi ko talaga alam. Linibang ko nalang ang sarili ko sa panonood ng mga bahay, puno, tao, na nadadaanan namin.

Pumasok kami sa isang malaking gate at bumungad sakin ang napakalaking bahay. Sobrang laki talaga na animoy pangroyal family.

"this is our mansion."seryosong sabi niya at ipinarada ang kotse sa tabi ng ibang pang sasakyan. Mga nasa walo ata.

"oh my god."pabulong na sabi ko. Dahil sobrang nakakamangha talaga ang laki at ang linis ng bahay.

"ikaw pa lang ang unang kakilala ko na naka punta sa bahay na ito, maliban kay chito."seryoso paring sabi niya habang nakatingin sakin.

"talaga? bakit ako lang?"takang tanong ko.

"kasi ikaw ang pinag kakatiwalaan ko."

"bakit may mga illegal bang ginagawa ang family mo?"seryoso kong tanong at nagulat naman ako dahil tumawa siya sa sinabi ko."bakit? anong nakakatawa?"dagdag ko pa.

"hindi uy! walang illegal na ginagawa ang family ko. Sobrang ayaw ko lang na ipaalam ang totoo kong pagkatao sa iba, dahil nga diba ang iba'y mapagsamantala. Kaya ganon nalang ang pagtitiwala na ibinibigay ko sayo, dahil alam kong iba ka sa kanila."nakangiting sabi niya.

"salamat sa pagtitiwala."napapahiyang sagot ko.

"tara na sa loob at ng makilala mona ang family ko."bumaba na kami sa kotse at naglakad papasok sa bahay nila. May nakita akong mga naka uniform at halatang mga maids. Tapos may naka bistidang babae na sa tingin ko ay ang mommy ni Juovie. Maganda ito, magkamukha silang dalawa. Matangkad din ito. Pero simple lang siya. Walang kaarte-arte sa katawan."hi mommy"masayang bati ni Juovie rito. Lumapit siya sa babae at hinalikan ito sa pisngi."this is my friend, Elaine May Santigo."pakilala niya sakin at halata sa mukha ng mommy nito ang pagka'gulat."and Elaine, this is my mom"turo niya don sa naka bistida."Elaineda Meldez-Henrey."nagulat ako sa sinabi niya.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon