Chapter 7

9 2 0
                                    

Elaine's POV:

"ta bakit po kayo nagpapadala samin ng malaking halaga?"tanong ko kay tita habang nasa sofa kami nanonood ng tv.

Tumingin siya sakin na halatang nagulat sa tanong ko.

"hindi naman ako nag-papadala sa inyo e. Nagpapadala lang ako tuwing humuhingi ang mama mo sa kin. Pero matagal-tagal na rin yun."sabi niya habang seryoso ang mukha.

'Kung hindi siya, sino? Sino ang nagpapadala kay mama ng malaking halaga kada buwan? Mama may tinatago ka ba sakin?'sa isip isip ko.

"bakit mo natanong May"dagdag niya pa.

(A/N: May (mey) ang tawag ng iba kay Elaine. Kasi diba ang totoong pangalan ni Elaine ay Elaine May Santigo. So ang iba ang tawag sa kanya ay May. Gets? bahala kayo. hahaha😃)

"a, wala po yun. Sige po kain na tayo."pilit na ngiting sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng pinggan at umakyat na sa kwarto.

'mama ano bang tinatago mo sakin?'

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at denial ang number ni meme.

"hello meme?"sabi ko agad ng sagotin niya ito.

"o, ate komusta na?"masayang tanong niya.

"okay lang naman ako, si mama asan?"

"andito. Ma tawag ka ni ate!"rinig kong tawag niya kay mama.

"May(mey), napatawag ka? May nangyari ba?"bungad agad sakin ni mama.

"wala naman po. Ma, may gusto lang po akong itanong, sino po ang nagpapadala sayo ng malaking halaga?"deritsahang tanong ko.

"a-a xiempre ang tita mo. Sino pa ba!?"utal na sabi niya pa.

"sino pa nga ba ma!?"galit na sigaw ko.

"ano bang nangyayari sayo May? Bat ka nagkakaganyan?"naiiyak na sabi ni mama.

Hindi parin ako makapaniwalang naglilihim sakin si mama. Bakit niya pa tinatago? Kung sasabihin niya naman ang totoo, hindi naman ako magagalit e.

"alam kona pong hindi si tita ang nagpapadala sa inyo. Sino po? sino po!? Mama naman! bakit kayo nagsisinungaling sakin? ano po bang tinatago niyo sakin? May ginagawa po ba kayong masama? San niyo nakukuha ang malaking halaga na yon? Ma!?"naiiyak na ring sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang galit na nadarama ko.

"anak naman."humihikbi nang sabi ni mama.

"Ma, sabihin mo nalang kasi sakin."pinatay ko agad ang telepono. Naiinis ako kay mama. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nadarama ko.

Patuloy parin ang pag'iyak ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako kaka iyak.

KINABUKASAN

Ang bigat ng mga mata ko. Alam kong namomogto ito dahil sa pag iyak ko kagabi. Hindi naman ito gaanong malaki, pero halata.

Bumaba na ako para mag ready ng umagahan. Hindi narin ako naghanda para sa lunch ko. Kasi sila Juovie naman daw ang bahala.

"o, anong nangyari sayo? Bat namomogto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"sabi ni tita na kalalabas lang ng kwarto niya.

"opo, namimiss kona po sila mama."pagsisinungaling ko pa.

"a, ganon ba? Hayaan mo't masasanay ka rin."nakangiting sabi nito at nagtungo na sa lamesa."bat hindi ka naghanda para sa lunch mo?"takang tanong niya ng hindi makita ang lunch box ko sa lamesa.

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon