Chapter 4

9 2 0
                                    

Elaine's POV:

Pagkatapos ng lunch ay sabay-sabay kaming pumasok sa room ng ibang subjects namin. Hindi na humiwalay sakin si Juovie at Chito. Lahat nang mga kaklase namin ay nagulat. Dahil napaka bilis daw ng pagkakaibigan naming tatlo. Pero okay lang. Alam ko naman sa sarili ko na mapagkakatiwalaan tong dalawang mokong na to.

Hindi pa gaanong nagtuturo ang mga teacher dahil first day of school pa lang daw. Kaya kahit papano nakakapag'usap-usap naman kami ng mga classmate's ko.

"hoy!" pabulong na tawag ko kay Chito.

"Bakit?" pabulong ding sabi niya.

"Bat ang tahimik mo ngayon?"

"Wala lang, may iniisip lang."

"Ano yan ha? Chicks yan noh!?"pabulong paring sigaw ko.

"hindi ah! ikaw, puro ka talaga kalokohan. Wag kang magiging ganyan sa lahat ng mga taong kakikilala mo palang."

"huh, anong ganyan?"

"yang pagiging madaldal mo at pamimisil ng mukha ng lalaki."

Ano naman ang masama doon, siya lang naman ang ginawan ko non ah, bakit ayaw niyang pati sa mga kakikilala ko pa lang.

"bakit naman?" takang tanong ko sa kanya, at linapit niya naman ang kanyang upuan ng kunti.

"bakit gusto mo pa bang gawin ulit ang magpayakap sa ibang lalaki, at kwentuhan ng maraming bahay, at manmimisil ng pisngi ng lalaki?! ha!?" pabulong na sigaw nito sa bandang tainga ko.

Ano bang problema nitong lalaking to?

"hindi lahat ng lalaki kasing bait ko, kaya mag iingat ka sa lahat ng ikikilos mo sa kanila." dagdag niya pa at tinalikuran ako.

Lumingon ako kay Juovie pero busy din sa pakikipag chismisan sa mga classmate's namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number nila papa. Nagring ito agad, at ilang ring pa ay sinagot na nila.
Lumabas muna ako ng room dahil sa ingay ng mga classmate ko.

"Hello anak?" sabi ni papa sa linya.

Miss kona talaga ang boses nila.

"Hello pa."

"oh kumusta?"

"ito, okay naman po ako."naluluhang sabi ko sa kaniya.

"diba may pasok ka? bakit ka tumatawag? pagagalitan ka nyan ng teacher mo, sige ka."

"Hindi panaman po maayos ang skwela, kasi daw po, first day palang daw. Marami pang ginagawa ang mga teacher dito pa." biglang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

"a, ganon ba anak.? o, sya nandito mama mo, guto kang kausapin."

"sige pa."

"Hello may."sabi ni mama sa linya. Ramdam ko ang kanyang tuwa sa salitang iyon.

"Hello ma. Musta na po kayo dyan, miss na miss ko na po kayo?" humihikbi na ako sa kaiiyak."Si meme po kumusta na? Hindi po ba nagpapasaway sa inyo yun?"humihikbi paring sabi ko.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng marinig ko ang boses ng mama at papa ko. Miss na miss kona talaga sila.

"okay lang naman kami may. Miss kana rin namin."rinig kong umiiyak narin si mama."Okay lang naman din si meme at hindi siya nagpapasaway samin. Naging mas mabait nga eh, dahil ayaw niya daw na pagalitan mo siya."tumatawang sambit nito.

"Mabuti naman po ma kung ganon."naka ngiting tugon ko.

🎵criiiinggg..criiiinggg...criiiinggg...criiiingg...(A/N: Tunog yan ng bell, wag kang ano..😃😃)

The Senior High GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon