"Hello po lola!" Tawag ko sa katabi kong matanda. Nakahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga. "P-pwede po malaman kung anong oras na?" Hinihingal kong tanong at napalingon naman sa akin si Lola. "Alas diyes na ija."
Napakagat ako sa labi ko. Ano ba naman Sunny! Late na naman! Kailan nga ba hindi diba?
Ngintian ko si Lola. "Sige po, salamat!"
Nandito ako ngayon sa train station, hinihintay ang susunod na pagdaan ng train. Bakit nga ba kasi tinakbo ko yung train station kung pwede naman sumakay ng tricycle? "Huhuhu. Baka kaya bugbugin ako ni Jasper kapag nalate ako?" Bulong ko at napahawak ako bigla sa noo ko. "Ay! Clyde nga pala dapat!"
Dahil deadline na sa Monday, ngayong weekend namin napag-usapan ni Clyde na gawin yung project namin sa Physics.
Magkita daw kami ng 10AM (sharp daw) sa may park katabi ng mall at mukhang late na ako! Wala pa naman akong number niya! Paano ko kaya sasabihin na malalate ako?
Naalala ko pa naman kung paano niya sinabi yun.
"Don't be late. I have no time for bullshits."
Iniisip ko palang nakakatakot na 'di ba? Mukhang magiging fried chicken ako mamaya! Lagot ka na Sunny!
"Ija.." Tawag sa akin ni Lola kaya nagtaka naman ako. Nilingon ko siya. "Bakit po Lola?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw diba yung babaeng naaksidente? Yung nahagip ng truck?" Tanong niya kaya bigla naman nanlaki ang mga mata ko. "Opo Lola! Bakit po?"
Pinagmasdan ko si Lola nang may mapansin ako. Tama nga! Siya yung matanda na sumisigaw na nung araw na naaksidente ako. Nginitian ako ni Lola. "Buti naman ija at nakaligtas ka."
Ngumiti din ako. "Oo nga po Lola!" Proud kong sabi at tumawa. "Buti nalang po naka-survive po ako."
"Isa bang anghel yung nagligtas sayo?" Tanong ni Lola kaya bigla ako napatigil sa gulat. Anghel?! Pakiramdam ko biglang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam pero bakit hindi ko masagot yung tanong ni Lola?
Pero anghel 'di ba yung nagligtas sa akin?
Umiling nalang si Lola. "Siguro nga matanda na talaga ako, at nakakakita na ako ng kung anu-ano." Paliwanag niya. "O imahinasyon ko lang siguro 'yun."
Nginitian ko siya. "Lola, siguro nga po totoo din yan!" Sabi ko sa kanya. "Naniniwala naman po kayo sa miracle diba?"
"Oo naman ija," nakangiting sagot ni Lola. "Sige ija, andito na pala ang apo ko. Aalis na ako. Mag-iingat ka." Sabi pa niya habang tinatanaw ang isang tao sa malayo.
"Bye po Lola!" Masigla kong sabi nang maglakad siya palayo ng train station kasama ang isang lalaki na halos kasing edad ko lang. "Ingat po kayo!"
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na rin ang train kaya sumakay na ako. Pagkaupo ko, agad ko napansin yung madilim na kalangitan. "Uulan pa yata.." Bulong ko habang pinagmamasdan ang mga madidilim na ulap mula sa bintana ng tren.
BINABASA MO ANG
The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)
AdventureSiya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at h...