Doon ko naramdaman na may hindi tamang nangyayari sa akin.Pakiramdam ko biglang humina ang signal ng pagiging multo ko at onti-onti na akong nawawala!
"Gumising ka Sunny!" Sigaw ko sa katawan ko na hindi na gumagalaw, nakabukas ang bibig at nakalabas ang dila. "Mukha kang aso oy! Wag ka sumuko na ganyan itsura mo! Huhuhu! Panget lalo!" Sabi ko pa sa sarili ko.
"Sunnyyyy!!!" Dagdag ko pa at sinubukan suntok-suntukin ang katawan ko pero tumatagos lang ako. "P-paano ba ako makakabalik sa katawan ko?!" Nagpapanic kong tanong.
Pakiramdam ko nauubos na ang oras ko dahil lumalabo na ako lalo. Wala nang signal ang pagiging multo ko!
"Sunny!!!" Sigaw ko sa sarili ko habang sinusubukan yugyugin ang balikat ng katawan ko, pero wala. Para lang akong hangin. "Baliw ka ba paano nalang ang superhero mo! Ni hindi ka pa nga niya napapansin eh! Huhuhu!" Pag-ngawa ko pa habang pinipilit gisingin ang katawan ko.
Hindi pa ako pwedeng mawala hangga't hindi niya ako pinapansin! Huhuhu!
Patuloy na naging isang straight na linya ang naka-display sa monitor, ibig sabihin nito, hindi na tumitibok ng puso ko.
"Hindi na nagrerespond ang katawan niya." Malungkot na sabi ng doctor habang hawak hawak ang aking pulso. "11:37 AM, January 5, I'll declare that she's already dead."
"Dead."
"Dead."
"Dead."
Parang hangin na nag-eecho sa paligid ang boses ng doctor. Doon na literal na huminto ang mundo ko.
Oo, literal talaga na huminto ang paligid!
"Ahh! Anong nangyayari?!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi sila gumagalaw, ang doctor ay nakahinto at nakahawak pa rin sa aking pulso.
Ang mga nurse na nasa loob ng kwarto na hawak-hawak ang mga tools ng doctor ay hindi rin gumagalaw, para silang naging estatwa.
Tumakbo ako palabas ng kwarto ko sa sobrang takot. "Ano ba ang nangyayari Sunny?!" Bulong ko sa sarili ko.
Nanlaki ang mga mata ko na makita na lahat ng tao sa loob ng ospital ay nakahinto at hindi gumagalaw sa kanilang mga pwesto. Ako lang ang nakakagalaw dito.
A-ako yung multo pero bakit ako yung natatakot?! Huhuhu!
Tumingin ako sa digital clock na nakalagay sa information desk sa hospital, nakahinto ito. Ibig sabihin, huminto bigla ang oras?
BINABASA MO ANG
The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)
MaceraSiya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at h...