Special mention kay its_me_Akiraaa!! Thank you sa pagbabasa ng stories ko! ^-^
balak ko sana pag complete saka ko i-update na para hindi bitin pero natutuwa kasi ako sa messages mo sakin! <3
Thank you sa support!!Sorry napahaba na yung A/N. Enjoy reading! :)
CHAPTER 11
"A-ang sakit..." Napahawak ako sa ulo ko at idinilat ang mga mata ko.
Tiningnan ko yung paligid at parang pamilyar yung lugar na 'to. Siguro nasa school clinic ako. Wait, ano nga ba nangyari sa akin? Bakit ako nandito?
Sinubukan ko gumalaw pero napangiwi agad ako sa sakit ng kaliwa kong braso. "A--aaww."
"W-wait, si kuya Claude ba yun..?" Bulong ko habang nakahawak sa ulo ko at nakakaramdam pa rin ng hilo.
Pinagmamasdan ko yung likod ng lalaki habang kausap yung school nurse.
"...K-kuya Claude.." Automatic nung na-recognize ko sa built ng katawan niya (fit, matangkad at gwapo kahit nakatalikod!) nalaman ko na siya nga si kuya Claude kaya nangilid agad yung mga luha ko.
Eto na naman si Sunny sa pagiging iyakin! Huhuhuhu!
"As her guardian, pa-monitor nalang ng lagay niya, at palagyan ng cold compress yung arm niya para mabilis mag-recover yung sprain niya." Sabi pa nung nurse at nakita ko na tumango lang si kuya Claude. "In 1-2 weeks magiging okay na ulit siya."
"Thanks." Sagot ni kuya Claude at lumabas na ng kwarto yung nurse.
I heard him sighed heavily.
Humarap sa akin si kuya Claude at inalis niya yung suot niyang shades.
Hindi ko na napigilan at tumulo na yung mga luha ko. "K-kuya Claude!!!" Iyak ako nang iyak habang tinitingnan siya. Pero nakatayo lang siya sa may sulok at tumingin lang sa akin. "Buti nandito ka.." Malungkot kong sabi. "A-akala ko iiwan mo na ako.." at patuloy na akong ngumawa na parang bata.
Namiss ko sobra si kuya Claude!!
Isang linggo niya ako hindi kinakausap, pinapansin o ano man!
Tapos nakita ko pa siya na may kasama na ibang babae.
Pakiramdam ko bigla siyang nawala sa akin.
Pero hindi ko ineexpect na siya yung unang nandito ngayon sa tabi ko. Siya talaga yung superhero ko! Huhuhu!
"K-kuya Claude, sobrang saya ko kasi nandito ka!! H-hindi ko a-alam gagawin ko kung wala ka kuya Claude.." Paliwanag ko pa habang umiiyak.
"...."
He stares at me blankly. Wala manlang emosyon yung maganda niyang gray na mga mata.
"Pwede mo ba ako yakapin kuya Claude..?" Malungkot kong tanong habang nakatitig sa mata niya pero wala pa rin siyang reaksyon.
"Kuya Claude... B-bakit a-ayaw mo magsalita..?" Nanginginig yung boses ko kasi ngayon lang nangyari na parang nakakatakot yung mga mata niya. Sanay ako na parang madalas lang siyang kalmado at nang-aasar lang sa akin.
Natakot tuloy ako bigla na baka iba na yung tingin niya sa akin.
Natatakot ako kapag naiisip ko na ako nalang ulit mag-isa.
Nawala na si kuya Dark, mommy at daddy pero ayaw kong mawala sa akin si kuya Claude.
Paano ko pa tatawagin na Sunny pangalan ko kung dahil lang kay kuya Claude kaya maliwanag yung mga araw ko?
BINABASA MO ANG
The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)
AdventureSiya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at h...