Chapter 9

55 8 30
                                    

Chapter 9

"Hey Jasper loves, parang ang saya saya mo ngayon ha?"

Napalingon ako kay Trixie, naglalakad siya papunta sa upuan ni Jasper. Pakiramdam ko naging yelo ako sa upuan ko, parang pag narinig ko yung pangalan na yun automatic na pinagpapawisan ako ng malamig.

HINDI AKO MAPAKALI!!!

Dumating na sa wakas ang Monday, nasa classroom at nag-ayos lahat dahil first subject namin ngayon ay Physics.

Physics..

Kapag naalala ko, pakiramdam ko gusto kong kainin na ako ng upuan ko! Sunny naman kasi eh! Huhuhuhu!

Hindi ako mapakali.

Hindi ako mapakali talaga.

MABABALIW NA AKO!!!

"Hey Jasper, wanna hang out later?" Naririnig ko pa rin ang boses ni Trixie sa di kalayuan. "Hey Jasper!"

I heard her sigh. "What do I need to do so you'll stop ignoring me, Jasper?"

Pakiramdam ko naman lalong nag iinit ang tenga ko nang paulit-ulit tawagin ni Trixie ang pangalan na 'yon. Jasper daw? Si C-clyde?

Napalunok ako.

Automatic na nag-replay sa utak ko ang mga nangyari, si kuya Claude at si Clyde. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko pa rin makalimutan yung mukha ni kuya Claude na parang galit na galit.

Galit ba siya? Bakit? Sa akin ba siya galit?

Nagseselos kaya siya?

Napailing ako. Imposible, meron naman siyang Aurora, 'diba Sunny? At nakita mo pa nga sila mag kiss e! Huhuhu! Saka sasabihin niya na naman, kaya ganito kasi ako yung little sister niya. Tama, little sister niya lang talaga ako.

Nalungkot ako agad sa mga naiisip ko at pakiramdam ko tutulo nalang bigla ang mga luha ko. Ang sakit kasi sa puso!

Gusto ko si kuya Claude lahat nang maging first ko! Reserved na kasi sa kanya hindi niya pa kinuha agad! Huhuhu! Sobrang lungkot ko kasi hindi siya ang first kiss ko! Huhuhuhu! Pero b-b-bakit hindi ko maalala yung buong nangyari? Baka kaya panaginip lang yun?

Oo nga no.

Hehe.

Talino mo talaga Sunny!

Tama. Panaginip lang yun Sunny! Bakit ka naman ikikiss ni Jasp--Clyde diba?! "Aray!" Napahawak ako bigla sa braso ko. Sakit naman nung palo na yun!! Nagdadrama pa ako dito eh! Huhuhuhu!

Hehe, tama nga talaga, panaginip lang 'yon. Hehe.

"Hoy para kang timang diyan na nakangiting aso. May saltik ka na ba?" Nakapamewang na sabi ni Isabel. Ngumiti ulit ako. "Hehe, good morning pres?" Malamang siya rin yung pumalo sa akin sa braso. Amazona kasi eh!

"Aga aga ayaw mo ayusin! Kakainis ka ha!" Iritado na sagot sa akin ni Isabel kaya nagtaka naman ako. "Bakit? Ano meron pres? Hehe." Nalilito kong tanong at kasabay nun biglang tinuro ni Pres si Clyde at Trixie.

"Nakikita mo ba yung linta na yun ha Sunny?!" Nag-uusok na ilong na sabi ni Pres. Napakunot ang noo ko. "Bakit Pres? Anong meron kung halos nakayakap na si Trixie kay Jasper? Hehe."

Sweet nga nila tingnan eh. May mali ba pag ganun? Wala naman 'di ba Sunny?

Biglang nagpapadyak sa sahig si Pres na para bang sobrang naiinis at biglang bumuntong hininga. "Ano ka ba Sunny, slow mo naman eh!" Sagot niya at ngumuso. "Anong base na ba si Jasper ha?!"

The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon