Chapter 10

38 5 1
                                    

Shattered note: waa thank you sa mga nagbabasa nito. xD
Subukan ko na ulit to i-update lagi. :)

Dedicated to rosmiejoy25! Thank you sa support!

Chapter 10

Nakaupo lang ako sa isang sulok habang naghihikab nang makita ko si Jun na papasok ng classroom. "Good morning Jun!" Bati ko sa kanya at nginitian niya ako. "Oy Sunny! Aga mo ah!" Komento niya at napahawak ako sa batok ko. "Hehe, gusto ko pa mabuhay eh."

"Si queenkong ba?" Tumawa lang siya habang umiiling at pumasok na sa room.

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa sa sinabi niya. Queenkong ba ang itinawag niya kay Isabel? Lagot kami siguro kapag narinig niya yun! Pero sabagay, minsan nga Godzilla pa siya eh! Lalo na kapag galit!

*yawn*

Dahil gusto ko pa talaga matulog, naghihikab akong lumapit sa kanya, si Jun kasi ang pangalawang dumating sa room. "Uy Jun, kung pwede sana uhmm---" napalingon naman siya sa akin. "Ano yun Sunny?" Tanong niya.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Pagising naman ako pag dumating na sila oh. Inaantok pa kasi talaga ako eh." Inaantok kong sabi habang kinukusot yung mata ko dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang antok dahil 5:30AM ako gumising at 7AM palang ngayon ng umaga.

"Yun lang ba? Haha! Sige ba Sunny!" Sagot niya at nag-thumbs up siya sa akin. Napangiti ako agad. "Thank you Jun!" Masaya kong sabi.

Sa wakas!! Pumunta na agad ako sa sulok ng room at humanap ng pwesto. Hays. Napaka-antukin ko nga naman talaga! Pakiramdam ko kapag pumikit ako makakatulog ako eh! Pero mas okay sana kung katabi ko si kuya Claude, may unan na may bonus pa na magandang gising! Diba?

Kinikilig talaga ako kapag naiisip ko na ganun! Pangarap ko yun!! Kailan nga kaya ako makakasandal sa balikat ni kuya Claude para matulog no?

Dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko kaka-imagine na pwede mangyari yun, dinukdok ko na ang ulo ko sa table. Pakiramdam ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Nababaliw na talaga ako!!

Tama Sunny. I-tulog mo nga muna siguro 'yan, baka paggising mo katabi mo talaga si kuya Claude!

Kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.

---

"HOY GISING!!!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Isabel sa tenga ko. "Gising na Sunny! Walang VIP treatment ngayon!" Sabi niya habang naka-cross arms pa sa harapan ko.

Kinukusot ko ang mga mata ko habang tinitingnan siya. "Good morning Pres, Hehe. Mas maganda ka pa sa umaga!" Nakangiti kong bati sa kanya at napailing siya agad. "Maswerte ka sinabi sa akin ni Jun na ikaw unang dumating dito kaya pinapatawad na kita!" Isabel grinned.

Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! Thank you Jun niligtas mo ako! Huhu! Naiimagine ko palang na galit si Isabel kinikilabutan na ako!

Pero tulad nga ng inaasahan, biglang nag-iba ang mood ni Isabel. Inangat niya yung sleeves niya at huminga ng malalim. KInabahan din tuloy ako. 'Wag mong sabihin, umagang-umaga, activated na ang dragon mode niya?

Naglakad papunta sa harap si Isabel.

"Ehem." Panimula ni isabel at kinakabahan lumingon ang lahat ng mga kaklase ko sa kanya (kasama ako syempre!) "Alam ko kasi na kaya tayo 1 week na walang klase ngayon ay para mag-prepare sa opening festival. Pero bakit parang enjoy yata sa kwentuhan?" Nangingiti niyang sabi kaya napalunok kami sa kaba.

Ang bilis ng oras! 1 week na mula nang mangyari yung kakaiba kong panaginip at nakalimutan ko na rin 'yon. Hehe. Mas naalala ko pa yung 10k yung bayad para sa kiss ni kuya Claude ko! Dahil nga sa need ng section namin manalo, 8am palang pinapunta na kami ng school ni Isabel para maayos daw namin agad yung mga kailangan.

The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon