Chapter 6

81 17 111
                                    

Thank you po sa mga patuloy na nagbabasa!! <3

Thank you po sa mga patuloy na nagbabasa!! <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Mabilis akong tumatakbo palayo.

Ano ba naman kasi yung nakita ko?!

Kung kailan naman nag-punta ako ng mall para sundan si kuya Claude saka ko siya makikita na may kasamang babae at kiniss niya pa sa lips?!

Ang sweet nila grabe! Bagay sila tingnan! Huhuhuhu! Pero bakit ganun? Grabe parang may tumutusok na karayom sa puso dahil sa nakita ko! Bakit nalulungkot ako? Bakit?

Hays! Ang daya talaga! Buti pa siya! Ako nga pangarap ko makiss ni kuya Claude eh! Pero bakit hindi matupad? Huhuhu!

Dahil sa sobrang lungkot, tumakbo na agad ako palabas ng mall. Automatic na nag-uunahan yung mga luha ko sa pagbagsak.

"Huhuhu. Sayang din tuloy 'tong ice cream ko." Pag ngawa ko pa dahil natunaw na yung ice cream kong hawak. Favorite ko pa man din yung flavor! Cookies and cream! Kaso nawalan na rin ako ng gana kaya tinapon ko nalang sa basurahan. Ang sama ko kasi nag sayang pa ako ng pagkain! Bad Sunny! Huhuhu!

Gusto ko nang umuwi! Maling desisyon pala na sinundan ko pa si kuya Claude sa mall. Huhuhu! Ikaw kasi Sunny eh!

Para akong bata na umiiyak. Napapalingon yung mga tao sakin kaya mabilis akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sobrang lungkot.

Pakiramdam ko, iiwan ako ni kuya Claude tulad nila kuya, mommy at daddy.

Bakit ba kasi hindi nalang ako yung gusto niya?


"Yung babae! Masasagasaan ng truck!"

May narinig akong sigaw pero halos nabibingi na ako. Parang nag-slow motion ang buong paligid ko. Narinig ko ang malakas at paulit-ulit na busina ng truck sa harapan ko.

Nasa gitna na pala ako ng kalsada. Sa sobrang takot, hindi na ako makagalaw. Nasa harapan ko na yung truck at alam kong mahahagip ako nito pero huli na.

"Ahhhh!" Napasigaw nalang ako sa sobrang takot.

At naging mabilis ang sunod na pangyayari.

Napadilat ako bigla. Hinihingal akong tumingin sa paligid. Nasa kwarto ko lang ako. Napabuntong hininga ako, panaginip lang pala? Napahawak ako sa ulo kasi bigla itong sumakit. "Awww. Ang aga naman nito Sunny."

Pinatay ko na ang alarm ng cellphone ko. "6:17 AM." Sakto lang ang gising ko! Buti naman hindi late! Bumangon na ako sa kama ko. "Good morning world!" Masaya kong sabi habang nag-iinat. "Excited na ako pumasok! Makikita ko na naman ang best school janitor!"

Walang iba kundi yung artistahin na school janitor! Syempre si kuya Claude KO! (Akin siya kahit sa imagination ko lang! Hehehe!)

Agad na akong nag-ready at ginawa ang morning routine ko para makapasok na ako sa school.

The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon