Hello po kay @superperrix, salamat sa pagbabasa! (Sobrang naappreciate ko nga comments mo <3) Dedicated sayo ang chapter na 'to! :)
"Ang kulit mo Sunny!" Claude sighed in frustration. "Kahit pilay ka pipilayan ulit kita kapag hindi mo pa 'yan binigay." Seryoso niyang sabi at tinitigan ako."Grabe ka naman kuya Claude!" Sabi ko habang pilit na inaagaw ang hawak ni Claude. "Huhuhu! Wag na kasi nakakahiya naman eh!" Reklamo ko pa at nakipag-agawan na naman ako sa kanya. Pakiramdam ko sobrang namumula ang mukha ko!!
Nandito kami ngayon sa living room bahay ko, dalawang linggo pagkatapos ang aksidente.
Nagiging okay na ang pakiramdam ko! Balik sa dati kaso hindi ako masyadong makagalaw dahil naka-splint ang kanan kong braso at umiika ako maglakad.
Pero buhay na buhay ako, alive and kicking hard! Ako yata si Sunny Velasco! Syempre credits sa angel na tinulungan na maextend ang buhay ko!
At nandito lang naman ngayon si kuya Claude dahil madalas niya akong bisitahin mula nang maaksidente ako. Baka daw kasi tumalon naman ako ng tulay kaya siya na raw ang magtutulak sa akin kapag balak ko raw. Sweet diba? Hehehe.
At ngayon nasa sala kami dahil sa pinag-aagawan namin.
"Isa Sunny." Claude warned. Sabi niya sabay hatak ulit sa hawak ko.
"Dalawa!" Sagot ko sabay hatak pabalik. "Tatlo, apat, lima, pito, walo!" Pang iinis ko pa habang tumatawa.
"Fck, can't you just hand those to me?" Naiinis na sagot ni Claude sabay hatak ulit. Alam kong totoong naiinis na si kuya Claude kapag nag-eenglish na yan! Lagot ka na Sunny!
Nakakahiya naman kasi talaga eh!!
"Akin na yan mga panty mo." Seryosong sabi ni Claude habang nakatitig sa akin. "Damn Sunny, ibigay mo na para makapaglaba na ako."
Diba nakakahiya!!!
"Undies kasi kuya Claude!!" Pagtama ko sa kanya sabay kuha ulit mula sa kanya. Masyado kasing straightforward kapag 'panty' eh! "Nakakahiya kasi kuya Claude ako nalang maglalaba!" Sagot ko pa. Kulang nalang maging kamatis ako dahil pakiramdam ko ang init ng pisngi ko!
"You can't even walk properly, Sunny." Claude answered. "Hand those undies to me." Sabi niya at inilahad ang kamay niya.
Nakapikit kong inabot sa kanya ang mga undies ko. Parang alam ko na ang mga susunod na mangyayari! Nakakahiya talaga!!
"Pffft!! Hahahaha!" Automatic pagkaabot ko ng undies ko kay Claude bigla itong nagpipigil ng tawa kaya ngumuso ako.
Claude bursted out in laughter.
BINABASA MO ANG
The Journey Back to the Stars ★ (ONGOING)
PertualanganSiya si Sunny Velasco, ano pa nga ba ang ibig-sabihin ng Sunny? Syempre, isa siyang masigla at super masayahin na bata. Ngunit dahil sa pagkawala ng kuya at mga magulang niya, maaga siyang naging ulila. Nagsimula maging tahimik, hindi palakibo at h...