Chapter 5

4 3 0
                                    

A/N: Pakitama na lang yung maling grammars. Maraming typos and errors.

--

A N D R E W  K L E I N

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa park at nagrerelax. It's been long time since I got home here in Philippines. And i want to forget that scene in the coffee shop but that girl i found something interesting in her.

Siya lang yung unang babaeng gumawa sa akin ng ganun. Halos lahat kase ng babae ay nirerespeto ako. But her? She made me feel embarrassed. Pinahiya niya ako sa maraming tao sa coffee shop.

And yung waffles niya? Sinadya ko talagang kunin yun. Napagod kase akong mag-order kaya kinuha ko. Gutom rin kase ako nung time na yun. But i didn't expect na ganun pala yung mangyayari. Hindi ko inexpect na mapapahiya ako.

"ARF! ARF!" Napalingon ako sa likod ng makarinig ako ng sunod-sunod na tahol.

Tiningnan ko ito ng maigi. The dog is running towards me. Wait? My dog! Tumatakbo ito palapit sa akin. Lumapit ito sa harap ko at kinakalabit ako.

"Erin? I thought nasa kay Granny Amelia ka?" Nagtataka kong tanong and i patted his head.

Tiningnan niya ako habang nakalabas ang dila at parang nanghihingi ng tulong.

"Teka? Paano ka nakatakas kina Granny Amelia?" Binuhat ko siya at pinangko sa hita ko. 

Nagtataka ko siyang tiningnan saka sinuri yung katawan niya. Wala naman siyang sugat o pasa sa katawan. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit siya nakawala kay Granny Amelia?

Nong time na pumunta ako sa States para mag-aral ay iniwan ko siya kay Granny. Para may mag-alaga sa kanya. And besides Granny loves dogs kaya nung sinabi niyang gusto niyang alagaan si Erin ay napagdesisyunan kong sa kanya ipaubaya ang aso ko while I'm studying in States.

Sa pagkakaalam ko palagi siyang pinapakain ni Granny. Palagi pa nga silang pumunta sa VET para magpacheck-up. Bukod dun Grannt even buy Erin clothes. See? Parang tinuring niya na ring pamilya tong aso ko.

"ARF! ARF!" Napatahol si Erin at biglang tumalon sa lupa.

Nagpaikot-ikot siya sa bench na inuupuan ko at parang gusto niyang humungi sa akin ng tulong. May ginawa ba siyang masama?

"Erin? Please calm." Tumayo ako at nilapitan siya.

Pero tumakbo siya palayo sa akin at sinesinyasan akong sumunod sa kanya. Napahinga ako ng malalim at sinundan na lang siya. Sumunod ako sa kanya sa likuran habang tumatakbo.

Why is she running?

"Erin! Please slow down!" I shouted and continued running.

Unti-unting bumagal ang takbo niya kaya naman nasundan ko siya.
Bigla kaming napahinto sa harap ng isang babaeng nakaupo habang hawak hawak yung paa niya. Naka white tshirt ito at nakapajama pa nakatali rin yung kulay black niyang buhok.

Napadaing ito sa sakit habang hawak hawak yung paa niya. Sinilip ko ang mukha niya. Napapaasim yung mukha niya sa tuwing minamasahe niya yung paa niya.

"Miss okay ka lang?" Tanong ko at hinawakan yung braso niya.

Napatingala naman siya sa akin na may maasim na mukha. Pero unti-unti rin iyong nawala at napalitan ng masamang ekspreyon ng makita ako.

Pero laking gulat ko din ng maalala ko yung mukha niya.

Yung babae sa coffee shop. Kung minamalas ka nga naman nagtagpo pa talaga yung landas namin.

Falling For Mr. IntruderWhere stories live. Discover now