Chapter 9

5 2 0
                                    

A L E X I S  E R I N

12:00 pm ng magising ako. Hindi ko alam pero hindi naman ako pagod kagabe. Pero late na ako nagising.

Naligo na agad ako at nagsuot ng crop top at overall na shorts. Tapos nagsuot lang ako ng tennis na kulay white at black.

Bumaba na ako ng kusina at nagpaalam kay Granny. Tinanong niya naman ako kung gusto ko daw kumain pero sabi ko hindi na dahil pupunta naman ako ng mall eh.

Pero bago ako umalis binilinan muna ako ni Granny ng list para sa bibilhin na mga grocery. Actually kakain lang naman ako at may bibilhing libro pero dahil may ibinilin si Granny na grocery list eh siguradong matatagalan ako sa mall.

Nagpahatid na lang ako sa driver namin papuntang mall. And then mga ilang minuto lang naman bago ako nakarating sa mall.

"Manong. Pakisundo na lang ako mamaya." Tumango naman sa akin ang driver at umalis na.

Pumasok na ako sa loob. At pagpasok ko. Marami pa ring tao. Dumiretso na ako sa may grocery at inilabas yung listahan.

Kumuha naman ako ng cart at tinulak ito papuntang Meat Section. Kailangan kong bumili ng karne, ham, hotdog, bacon at pork. Inilagay ko ito sa loob ng cart ko at itinulak na naman papuntang Dairy Section.

Kumuha ako ng fresh milk sa milk section. Tapos sa vegetables and fruits section. Well, so much to talk about it. Lahat ng nakalagay sa listahan ay nilagay ko na sa cart ko.

Pagkatapos kong ilagay ang lahat sa cart ay diretso akong pumunta sa cashier at binayaran lahat ng pinamili ko. Agad kong kinuha yung credit card ni Granny at ibinigay sa babae. Pagkatapos niya itong i swipe ay ibinigay niya na ito sa akin. Tapos yung mga pinamili ko ay ideniposit ko muna pagkatapos ay dumiretso ako sa National Bookstore.

May bibilhin akong libro. Pagpasok ko palang sa NBS ay nakita ko na yung ibang nakaupo sa sahig tapos binabasa yung ibang libro yung iba naman nakatingin sa bookshelfs at may hinahanap.

Pumunta ako sa isang bookshelf kung saan may mga English Books. Tapos hinanap ko yung librong bibilhin ko. Latest na libro.

Kinuha ko na ito at pupunta na sana ako sa cashier para magbayad ng may biglang sumulpot sa harap ko.

"Miss? Pwedeng akin na lang yung librong hawak mo?"

Isang matangkad at maputing lalake yung nasa harap ko. Matangos ang ilong, mapupula yung labi, maganda yung mata in short gwapo siya.

"Huh?"

"Pwedeng akin na lang yung libro?"

Bigla namang napataas yung kilay ko. No way! Kahit gwapo siya hindi ko naman kayang ibigay basta basta tong libro no!

"Hindi pwede."

Nilagpasan ko na siya.

"Miss kailangan ko talaga!"

Hindi ko namalayang sinundan niya pala ako papuntang cashier.

"Kailangan ko rin naman yung libro eh. Kaya wag kang umasang ibibigay ko sayo to."

Binigay ko na sa babae yung libro para bayaran ko.

"Miss. Sige naman."

Nagpacute pa siya sa harap ko.

"Maghanap ka dun."

Kinuha ko na yung libro kong nakabalot sa plastic at nilagpasan yung lalake.

"Miss naman. Wala na yung libro dun. Ubos na"

Pake ko?

"Alam mo? Mr. Who ever you are---"

"It's Dane."

"Alam mo Dane maghanap ka nalang ng ibang libro. Kase alam mo? Kailangan ko rin to."

And then tinalikuran ko na siya.

Sana hindi na siya sumunod sa akin.

Pumunta na ako sa paborito kong restaurant. Sa McDo. And nag-order na ng makakain ko.

Pagkatapos kong mag-order ay naghanap na ako ng bakanteng puwesto tapos umupo na dun.

Hinintay ko lang na dumating yung inorder ko at nagsimula na akong kumain. Yung inorder ko nga pala is spaghetti, chicken at coke. Parang pangbata lang eh.

Patuloy lang ako sa pagkain ng bigla na naman siyang sumulpot at nagpapacute.

"Miss sige na."

"Ayoko."

"Ibabalik ko."

"Ayoko sabi."

"Please."

"Tigilan mo ko."

Hindi ko siya pinansin at kumain na lang ulit ako.

"Bibilhin ko na lang sayo."

May kinuha siyang pera sa bulsa niya. Isang libo. Tss.

"Alam mo? Ako na yung nauna eh. Kaya wala ka ng magagawa."

"Sige na. Paborito ko kaseng libro yun."

"Wala akong pake kung paborito mong libro yung nabili ko."

"Ganito kase yun. Ang plano ko ay balikan yung libro nang matapos na akong mag grocery. Eh hindi ko naman alam na naunahan mo na ako dun."

"Sana kase binili mo na lang yung libro."

"Eh akala ko walang bibili nun eh."

"Libro nga diba? Syempre dahil nakalagay siya sa bookshelve ng National Bookstore ibig sabihin nun binebenta. At ibig sabihin nun pwedeng bilhin ng tao yung libro."

Tumigil naman siya sa kakasalita dahil sa sinabi ko. At last makakakain na ako ng tahimik at walang sagabal.

I wonder kung hindi ba siya nagugutom? Nakatingin lang kase siya sa akin eh.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya nung kinakain ko.

"May laway mo na yan."

"Tinatanong lang naman kita eh. Di ko sinabing kunin mo to."

"Tss."

"Ewan ko sayo."

"Yung libro yung pinunta ko dito."

"Dane alam mo? Maraming librong pwedeng bilhin dun."

"Gusto ko yung binili mo."

"Bahala ka."

Kumain na ulit ako at hinayaan lang siyang magmukhang kawawa sa harap ko.

Nang matapos na akong kumain ay agad akong lumabs ng McDo at hindi siya nilingon.

Tinawagan ko na din yung driver namin at sabi naman daw niya parating na siya kaya hinintay ko na lang.

"Maam asan napo yung mga pinangbili niyo?"

"Eto. Pakikikuha na lang."

Pumasok na ako sa kotse at hinintay na makapasok si Manong at makaalis na kami sa mall. I wonder kung bakit ang kulit ng isang yun?

Tiningnan ko yung bag ko at chineck kung nandoon ba yung libro pero biglang nanlaki ang mata ko ng wala akong may makita. Nakuha niya kaya yun?

Ano ba yan! Paano na ako makakapagbasa nun? Walang soft copies nun eh. Napasimangot na lang ako at hindi umimik sa buong biyahe hanggang sa makarating kami ng bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling For Mr. IntruderWhere stories live. Discover now