Chapter 8

4 2 0
                                    

A/N: Pakitama na lang yung maling grammars. Maraming typos and errors.

--

A L E X I S  E R I N

"Ayan na! Magkikiss na sila!" Sigaw ko habang tinutuon ang atensiyon ko sa panonood ng K-Drama.

Yung lalake hahalikan niya na yung weightlifter. Hahalikan niya na. Kinikilig na ako.

"Nam joo hyuk! Magkikiss na sila." Halos manlaki ang mata ko kakapanood sa laptop ko.

Ilang dangkal na lang yung lips nila. Ang lapit na lang.

*Tok*
*Tok*
*Tok*

Bigla kong naisira ang laptop ko dahil sa gulat ng may biglang kumatok.

"Sino yan?!" Nanonood ako eh. Kainis. Well, ganito naman palagi ginagawa ko sa England yung manood ng K-Drama.

Pero looks like mabibitin ako.

"Maam! May naghahanap po sayo!" Sino nanaman kaya?

Lumapit ako sa may pintuan at sumilip sa labas. Kitang kita naman yung sala dito kahit sumilip lang ako eh.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Si Sir Andrew po."

Hinanap ko siya gamit ang dalawa kong matang halos lumuwa na. And their nakita ko siyang nakaupo sa sofa at hinihintay ako.

"Sabihin mo maghintay siya ng isang oras."

Ngumisi ako ng nakakaloko.

"Ho?"

Parang di yata siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Narinig mo naman yung sinabi ko diba?"

"Sige po maam."

And then bumaba na siya ng hagdan. Tiningnan ko lang siya hanggang sa makalapit na siya kay Andrew at may sinabi siya dito.

Kita ko naman na napatango si Drew. Hahaha. Manigas ka diyan.

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nag resume na sa panonood ng K-Drama.

"Yun! Wahhh!" Napatalon talon ako sa kama ko ng makita ko silang nagkiss. Parang loka ako na ewan eh.

"Hays! Nagkiss din sila!" Ngumiti ako ng malapad.

Humiga na ako sa kama at hinintay mag isang oras. Baka pagpinahintay ko siya ng matagal eh mapagdesisyunan niya ng umuwi na. I know na hindi niya kayang maghintay ng isang oras kaya papahirapan ko siya.

5 Minutes

10 Minutes

20 Minutes

Nakatuon lang yung atensiyon ko sa kisame habang nagbibilang hanggang sa maging isang oras.

30 Minutes

40 Minutes

50 Minutes

Ten minutes na lang. Nakauwi na kaya siya?

60 Minutes

Ayan tapos na mag isang oras. Lumapit ako sa pintuan at sinilip yung sala. Wala na siya! Ngiting tagumpay.

Nang masigurado ko ng walang Andrew sa sala ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. 

Nakita ko si Mommy, Grandpa at Grandpa na kumakain. And mula sa direksyon ko ay may lalakeng nakaupo patalikod sa gawi ko.

Falling For Mr. IntruderWhere stories live. Discover now