Pangalawa

552 8 0
                                    

Ang ganda ng katawan niya, hindi ko ma-iwasang humanga. Wala siyang abs, pero kita mo na may huhulmahan talaga, kung nag gy-gym siya. Since his shirtless I can't take off my eyes on his v-line!

"Tiffany, oh."
Nilahad sa'kin ni Inda Loleng 'yung baso. Nag pakilala sila sa akin kanina. Kaya naman nag pakilala rin ako.

Syempre hinintay ko ring mag pakilala sa akin si Boni. But much on my dismay he didn't. Pinakilala lang siya sa akin ni Mang Ben. Tahimik lang si Boni sa sulok at kumakain, sus, suplado.

Aaminin kong hindi talaga maganda ang ugali ko. Malandi ako, lalo na ngayon na single ako.

" 'Wag na po, nakakahiya. Busog pa po ako," iiling-iling na sabi ko kay Inda Loleng.

"Nako, sige na, kunin mo na ito," sabi ni Inda Loleng sabay kuha sa kamay ko at lagay ng isang basong halo-halo.

Nahihiya man ay tinanggap ko ito. Masaya silang nag kwe-kwentuhan habang ako ay nakaupo na sa may duyan. Kaya masaya dito sa probinsya eh, masaya lang walang stress.

I'm not that friendly, but they are friendly kaya siguro nag click kami. Saka Inda Loleng said na close sila ni kuya Teo. Kaya siguro napalagay ang loob ko sa kanila. I don't talk to strangers, pero imposible namang may gawin silang masama sakin. At kung meron man anong silbi ng mahahaba kong biyas para hindi maka takbo agad. Saka dalawang bahay lang ang layo nitong palayan kila kuya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nung bumalik na sila Mang Ben sa pag sasaka. Si Inda Loleng naman ay nag paalam na, taga hatid lang pala siya ng meryenda.

Samantalang si Boni dahil nahuli sa pagkain ay kumakain parin sa sulok.

Bagay sa kanya ang kayumanggi niyang kulay, and his damn inducing body. And I must say gwapo talaga siya.

"Ang gwapo niya 'no?"
Shock was understatement, muntik ko na ngang maihagis ang hawak kong halo-halo.

"Sinong kausap mo?" tanong ko sa batang lalaki na nasa gilid ko. Nakatayo siya dito sa may gilid ng duyan at matamang tumingin sa akin.

"Hindi ko gusto tabil ng dila mo," usal nito sa akin sabay taas ng kilay. Sa tingin ko ay mga dose anyos lang siya pero ang powerful ng boses niya.

"Sino ngang kausap mo?"

"Pasalamat ka maganda ka."
Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Buti naman marunong kang um-appreciate."
Natatawang sabi ko, gusto ko ng iuwi itong bata 'to.

Alam ko namang binobola lang ako ng batang ito, pero mag papa-uto na ako. Kutis ko lang naman talaga ang nag dadala sa akin. Hindi naman ako gano'n na kagandahan kaya laking pasalamat ko at binigyan ako ng kutis na kapansin-pansin.

"By the way like what I'm saying gwapo niya 'no?" sabi nito sabay nguso kay Boni.

"You like him?" tanong ko dito.

"Nah, sa'yo na siya if you want you can take him home," bored na sabi nito. Ako naman ngayon ang napa taas ang kilay dahil doon.

"Kleo anong ginagawa mo dito?"
Nagulat naman ako sa biglaang pag sigaw ni Boni. Palapit na siya ngayon sa pwesto namin ni Kleo raw.

"Pinapatanong ni Tatang kung sasama ka raw ba sa Maynila?" tanong nung batang si Kleo.

"Napag-usapan na namin ni Tatang 'yan. Sabihin mo tutulong pa ako dito sa bukid," marahang paliwanag ni Boni na ngayon ay nasa harap na namin.

Tatang? (Tatay) So that means mag kapatid sila. Now this explains why.

"Already did, alam kong 'yan ang sasabihin mo. Kaya ako na mismo nag sabi sa kanya."

LureWhere stories live. Discover now