Tatlumpu't isa

276 5 0
                                        


"No it's okay, I'm just checking on you."
Sagot ko saka tumayo.

Pagod na pagod na akong itaboy siya o mag sungit sa kanya. Maybe I'm really too hard for him.

"Inaantok ka na ba?"
Tanong niya habang sinusundan ako.

"Sakto lang."
Tipid kong sagot saka bumalik sa pwesto ko. Kita na siguro kung gaano ka bagsak ang mga mata ko. What can I do, this is my job.

"I'll be back."
Sabi niya nung makapasok na ako sa receiving area.

Nag kibit balikat na lamang ako. Pero pag balik niya may dala na siyang kape.

"Salamat."
Sagot ko at tinanggap ito.

"Salamat nga rin pala sa pagkain namin ni Amanda. Saka yung binigay mong pagkain kanina. Hindi mo naman kailangan gawin yon. Lalo na ngayon, y-you don't h-have a j-job?"
Hindi ko mapigilang mautal sa huli kong pangungusap.

Kasi kung hindi ko sasabihin ngayon kailan ko pa masasabi, diba?

"I have a job Tiffany."
Sagot niya, na ikinagulat ko.

"I'm sorry, I just thought..."
Hindi ko matuloy yung sasabihin ko dahil sa hiya.

Oo nga naman, si Boni yan e. Ang sipag sipag niyan tas walang trabaho? Imposible.

"Kailan ang day off mo?"
Tanong niya, agad naman akong napa isip para mabaling sa iba ang topic.

"After my shift later, wala na akong pasok."
Sagot ko.

"Good then, akin ang day off mo."
Sabi nito saka ngumiti, aangal pa sana ako kaso dumating si Marga.

"Pzeo?"
Gulat na tawag nito at agad tinawid ang distansya nila.

Yumayakap sa buong katawan ni Marga ang suot niyang fitted sleeveless at leggings. Lalong nakita ang hulma ng katawan niya. Parang dahan-dahang bumubuhos sa' kin ang insecurities ko.

"Good morning Marga."
Sagot nito.

"I thought you run some errands?"
Sabi ni Marga na ikina kunot ng noo ko.

"Uh yes?"
Sagot naman ni Boni.

"Bakit hindi ka parin umaakyat sa kwarto natin?"
Tanong ni Marga.

So 'kwarto nila' pala yon. Ouch.

"Look Marga I'm still busy. Ikaw saan ang punta mo?"
Tanong ni Boni kahit obvious naman ang sagot para siguro maibsan ang tensyon.

"I thought its important Pzeo. When I ask you last night parang napaka importante."
Habang sinasabi iyon ni Marga her eyes are fixed on mine.

"And I'll jog, babalik ako mamaya."
Sabi nito at bumaling kay Boni saka niya ito hinalikan sa pisngi.

Pag alis ni Marga ay parang may dumaang anghel dahil sa katahimikan.

"Okay spell awkward."
I chose to break the silence between us.

"Marga is always like that, attach lang siya masyado."
Paliwanag nito.

"Don't explain Boni, wala ka namang obligasyon."
Sagot ko.

Huminga siya ng malalim saka ako tinitigan. Parang binabasa niya kung ano ba talaga ang gusto kong iparating.

"As a lover that's my obligation."
He said while looking in my eyes intensely.

Lumipas ang mga oras hanggang sa dumating na si Amanda.

"Ang aga mo naman yata?"
Puna ko sa kanya.

"Inagahan ko talaga para sayo. Bakit nandito si Sir?"
Sabi nito habang tinataas baba ang kilay niya.

"Hindi ko alam."
Tipid na sagot ko.

"Bakit hindi mo alam?"
Tanong ni Marga.

"Dapat ba alam ko?"
Balik na tanong ko.

"Maaga akong mag kakaroon ng puting buhok sayo girl!"
Nangiti naman ako sa sinabi niya.

"Kung ganyan ba naman madadatnan ko kada umaga. Maaga talaga akong papasok. Buong-buo na ang araw ko, ang gwapo talaga."
Dahil sa sinabi niya ay binalingan ko ng tingin si Boni.

"Maliligo lang ako, babalik ako agad."
Paalam ko kay Amanda saka lumabas sa area namin.

Nung mapansin ni Boni ang pag alis ko ay agad siyang tumayo mula sa panonood.

"Maliligo lang ako."
Sabi ko sa kanya pag lapit niya sa' kin.

"Puyat ka, tapos maliligo ka. Bakit hindi ka na lang mag pahinga?"
Masuyong sabi nito.

"I still need to attend my morning shift."
Sagot ko.

Nung mapatingin ako kay Amanda pinanlalakihan niya na ako ng mata. Darn, masasabon ako nito mamaya. Paniguradong bubuhos ang tanong.

Kaya naman dumiretso na ako ng elevator habang naka sunod sa' kin si Boni.

"Ikaw saan ang punta mo?"
Tanong ko sa kanya.

"Maliligo na rin ako, kailangan kong puntahan si Marga."
Sagot niya.

Darn bakit pa ba ako nag tanong? Much on my dismay ipinag kibit balikat ko na lang ang naging sagot niya.

"Sige ingat ka."
Sabi ko pag labas namin ng elevator.

Agad na akong pumasok sa kwarto ko. Kahit na mukhang may sasabihin pa si Boni. As much as possible I want to be civil with Boni.

Mabilis lang ang ginawa kong pag ligo saka ako nag bihis at bumalik sa trabaho. Tulad nga ng inaasahan pinaulanan ako ng tanong ni Amanda.

"For the nth time girl, ano ba kayo ni Sir?"
She frustraedly ask.

"Its just guest and worker relationship."
Sagot ko.

"Hindi e! May something talaga swear, chika mo na girl. Promise quite lang ako."
Sabi niya with hand gesture pa.

"Edi itanong mo sa kanya."
Sagot ko naman saka nag paka abala sa trabaho.

"Sungit naman girl, sige tatanong ko mamaya pag balik niya!"
Sabi naman ni Amanda, so naka alis na pala siya.

Natapos ang isang mabilis at nakakapagod na araw. I feel so exhausted. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi matulog. Gusto kong mag pakain sa antok.

Pero wala, kanina pa ako naka uwi dito sa kwarto. Hanggang ngayon dilat na dilat ang mata ko. Walang bumibitaw sa titigan namin ng ilaw.

Gusto kong matulog dahil puyat na puyat ako pero mukhang tinakasan yata ako ng antok. Ramdam ko na yung bigat ng nasa ibabang bahagi ng mata ko.

Wala naman akong ibang iniisip. Lutang pa nga ako e. Darn.

LureWhere stories live. Discover now