Xyz's POV:
"Namiss ko ang Luwalhati Orphan, matagal tagal din ako hindi nakapunta dito, simula noong nagstay ako sa ibang bansa, pero hindi parin ako nawalan ng oras dito dahil every 3 mos. nagpapadala ako ng donations dito para makatulong sakanila. Naisipan kong pumunta dito dahil sobrang nastressed ako kagabi dahil sa mayabang na lalaki na iyon at dahil narin namiss ko ang mga tao sa orphan. Nakikita ko kasi dito ang payapa, masaya ang mga tao dito. Kaya natutuwa ako sakanila dahil napamahal narin sila sa akin."
Ziek's POV:
"It's almost 9:30am nung nakarating ako sa Orphan, isa ito sa mga pinagkakaabalahan ko every last sunday ng buwan, masayang makipagkwentuhan sa mga bata dito, nakakarelax din ang makipaglaro sakanila. Isa din ako sa mga nagdodonate dito dahil parang pamilya na ang turing ko sakanila. Bago ako pumasok sa gate, may nakita akong babae na papasok sa isang itim na Porsche na kotse at sumakay ito. Hindi ko namukahan ang babae dahil nagmamadali itong lumabas sa exit gate ng orphan."
Xyz's POV:
"I forgot, may usapan pala kami ni Trive na magkita sa mall, it's already 9:30am nung paalis ako sa orphan. Kung hindi pa siguro tumawag si Trive baka nakalimutan ko na. Nakipagkwentuhan at nakipaglaro pa kasi ako sa mga bata dahil naaaliw ako sakanila. Walang nakakaalam na every last sunday of the month ako nagpupunta dito kahit yung mga magulang at relatives ko, isa lang si Zen sa mga nakakaalam dito. Tuwing busy ako sa opisina inuutusan ko si Zen para pumunta sa orphan at ibigay ang mga donations ko dito. Kung tutuusin nga gusto ko silang ampunin lahat, kaso alam ko naman sa sarili ko na hindi ko sila kayang alagaan. Kahit papaano nakakatulong din ako sa kanila sa pamamagitan ng pagdodonate ng pera at masaya na ako para dun. Nakikita ko kasi sa mga batang yun ang aking sarili,siguro dahil lumaki akong mag-isa na wala sa tabi ko ang mga magulang ko dahil sa trabaho, salamat sa Yaya Arsing ko dahil inalagaan niya ako nung mga panahong kailangan ko ng gagabay sa akin noon."
Tribe's POV:
"She's late. Nagtataka na ako sakanya kung bakit halos lahat ng last sunday of the month palagi siyang late sa usapan namin. She's not the usual Xyz. Parang may itinatago siya sa akin, sa amin. But I can't confront her, maybe because I trust her."
Third Person's POV:
"Wala naman masiyadong nangyari sa araw na iyon. Ngunit hindi mapakali si Zieki sa nakita niyang babae kanina, dahil hindi siya pamilyar dito. Bihira lang kasi ang nakakaalam sa Orphan na iyon dahil malayo ito sa syudad. Sina Xyz at Trive naman namasyal, nagshopping, at kumain lang ang ginawa nila maghapon sa mall hanggang sa gumabi at napagpasyahan na nilang umuwi dahil may trabaho pa sila kinabukasan."
YOU ARE READING
The Half Breed
De TodoIt's all about power, wealth, dignity, sacrifice, trust, love, hope; And full of LIES.... What do you think will happen? LET'S START THE STORY... :)
