Xyz's POV:
Nakakaloka naman, buti nalang at tinulungan ako nung bartender kanina para alalayan si Trive papasok sa kotse niya. Tsssk!
At salamat din kay manong guard sa bldg. ng condo niya at tinulungan din nya ako para iakyat sa unit niya si Trive. Hindi ko na siya ginising pa, dahil ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod at antok ko mula pa kanina nung naglanding yung eroplano. Na stressed na ang beauty ng lola niyo grrrrr! And wait, hindi ko na siya bibihisan pa ng pantulog niya. Aba naman, masyado na nya akong inalipin pag ganun. Tumabi na lang ako sakanya sa kama, habang tinitignan ko ang mukha niya, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa tabi niya. Zzzzz!
Trive's POV:
"F*ck! I hate this feeling. Ang sakit ng ulo ko parang sasabog. H.O nga naman. Wait! Where am I? Huh?! nakauwi din pala ako kagabi mula sa bar. Akala ko kasi kasama ko si Xyz na umuwi kagabi dahil malakas talaga ang kutob ko na bumalik na si Xyz."
Third Person POV:
Nang biglang tatayo na sana si Trive sa kanyang kama, may napansin siyang nakabalot ng kumot sa tabi niya, nagtataka ito kung sino iyon dahil hindi niya ugaling mang-uwi ng babae sa kanyang condo at napamura siya dito "tsssk! Wtf? Who's this? I can't even remember na may inuwi akong babae dito kagabi".
Tatayo na sana siya ng bigla itong gumalaw at unti-unting humarap yong nakabalot ng kumot sakanyang pwesto at napagtanto niyang ito pinakamahalagang babae sa kanyang buhay na walang iba kundi si Xyz at napangiti nalamang siya ng pagkalaki-laki sa kanyang labi. At nasabi na lamang niya ito sa kanyang sarili na "I know it's you, and thank you for bringing me home safe even if I'm wasted last night. Hindi mo talaga ako matitiis, I know that you loved me that much, *sabay halik sa noo ng babaeng natutulog na mukhang anghel*" *wide smile*
At tuluyan ng tumayo si Trive papuntang banyo para maligo at makapagluto na rin ng almusal nila.
YOU ARE READING
The Half Breed
De TodoIt's all about power, wealth, dignity, sacrifice, trust, love, hope; And full of LIES.... What do you think will happen? LET'S START THE STORY... :)
