Chapter 11 (Investors Day)

0 0 0
                                    

Third Person's POV:

"Makalipas ang isang linggong preparasyon, dumating na din ang hinihintay ng lahat. Nagsidatingan na ang mga delegado ng mga iba't-ibang kompanya para sa mga business proposals at para nadin mag-invest sa iba't-ibang kompanya para makilala pa sila sa business world. Unang dumating ang bagong investor na si Ms. Annie Jung kung saan konektado ang business nilang "Liquor o Alak" kung saan sila ang pangunahin nagsusupply nito sa iba't-ibang panig ng bansa. Kung kaya't si Trive ang gusto niyang makasosyo nito at interesado din siya sa binata.
Si Ryle naman, ang kanyang kasosyo sa kanyang business ay ang taga Daebok Group na si Mr. Gino Cha kung saan may mga travel and tours din siya sa iba't-ibang panig ng mundo at may sariling paliparan.
At sa kabilang dako naman, habang naghihintay ang CEO ng Park and Radcliffe Groups ay naisipan nya munang reviewhin ulit ang kanyang propasal, para naman mapapayag niya na mag-invest ang hindi pa niya nakikilalang investor nya sa mga oras na iyon."

Xyz's POV:

"Naiinip na ako dito sa conference room dahil wala pa yung investor ko, mahigit isang oras na siyang late. Grrrr!"

Zen's POV:

"Madam, malapit na daw po sila, dahil natraffic po sila sa daan. Kababa lang daw po nila sa airport sabi ng secretarya niya dahil kagagaling daw nila sa Singapore."

Ziek's POV:

"I'm totally f*cking late! tapos traffic pa. That's why, ayaw ko dito sa Pinas magstay at mag-invest ng negosyo sa ibang kompanya dahil sa mga problema dito bansa like traffic, populations and pollutions."

The Half BreedWhere stories live. Discover now