Chapter 6* Paghahanda sa pagpapakilala

216 6 0
                                    

SUNDAY Here @MCDO

9:00 AM

Alona' s POV

      Ang ganda ng umaga. Nandito kami ngayon sa McDo habang kumakain together with my friends CHESKA and MISSY. Chika2x lang kami dito habang kumakain. 

 "Talaga? Nagkita ulit kayo ni Zed?" di makapaniwalang tanong ni Cheska sakin

 "Ang akala ko ba,,, pumunta sya ng ibang bansa?" Missy

 "Hmm. Edi bumalik na malamang! And Unfortunately, nagkita ulit kami ng mokong na yun!" sabi ko na may galit na boses. 

 "So?? Anong reaksyon mo nang nagkita ulit kayo Alona?" sabay nung dalawa. Wow! Duet!

 "Hmm.. Wala!"

 "Weh?" sabay ulit ng dalawa. Di ba ako kapani-paniwala? Hmph! 

 "Fine! Edi syempre, as usual yun pa din ang problema! Nasasaktan pa din ako sa tuwing makikita ko yung pagmumukha niya! -_- "

 "Naku naman Alona! MOVE ON!" Cheska

 "Oo nga! 2 years! 2 years na ang nakalipas pero hindi mo parin magawang kalimutan yung lalaking yun? Maawa ka naman sa sarili mo!" Missy .. Ano tu? Sermon ng mga kaibigan? ganun? 

 " Well girls , di nyo rin naman ako masisisi. Alam kong alam nyo ang pinagsamahan namin ni Zed dati. Saksi kayong dalawa sa pag-iibigan namin. Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko ngayon, makakamove on kaya agad kayo? Have time to think of it girls!" sabi ko at bigla namang tumahimik yung dalawa

.

.

.

A moment of SILENCE

 "Hmm. Yeah! Dahil nga sa nasaksihan namin ang pag-iibigan nyong dalawa, di namin lubos akalain na hahantong sa ganun ang mangyayari sa inyo! Di namin lubos maisip na kaya nya palang gawin yun sayo!" sincere namang sagot ni Cheska

 "Oo nga Sis! Mahirap paniwalaang ganung klase palang lalaki si Zed dahil napakabuti nya samin tas nakita naman talaga namin na mahal na mahal ka talaga ni Zed!" sabat naman ni Missy

 "Alam mo, Nung araw na nakita ka naming parang engot na umiiyak sa isang tabi, muntikan na talaga naming mapatay yung Zed na yun! Actually, may plano na nga kami na kidnapin sya tas patayin ... pero napag-isip isip din namin na hindi kami criminal..... Di biro lang..... Hehe ^_^ Hmm. Alona, akala nga namin nun , hindi na namin maibabalik ang dati mong sigla pero BUTI NALANG! Buti nalang talaga at natauhan ka at ikaw na ulit yung Alona na kaibigan namin at naging bestfriend namin!" Cheska

 "Kaya ngayon ,, ayaw na naming bumalik ka sa dati, na laging umiiyak , walang ganang kumain , kaya ayaw na namin sis na magtagpo ulit kayo ng Zed na yun!" napailing-iling nalang ako at napapatawa sa mga kumag na kaibigan kong mga tu! Parang biglang nag throw-back lahat nung nangyari sakin! At sila ang nagpalakas ng loob ko upang muling bumangon! Sabi nila ,, "HABANG MAY BUHAY, MAY PAG-ASA!"

  Brent's POV

 "Son, bukas na dadating yung daddy mo! Ano? Ready ka na ba?" tanong ni mommy sakin at napangiti nalang ako .. Syempre I train my Fake Girlfriend. Super ready! 

 "Why not? Im freakin excited mom! Kahit nga biglang mag magic at tapos pumunta agad si daddy dito okay na okay lang sakin e!" sabi ko with syempre with a man voice. Yung buong-buo! Di naman mahirap sakin dahil master ko na ang magpretend! Na magpanggap!

 "Parang anlakas ata ng kumpyansa mo sa sarili anak! So may ipapakilala sa daddy mo yung babaeng... mahal mo?"

 "Hmmm. I think so mom! By the way, lalabas lang muna ako. Gusto ko lang maglakad lakad muna para Fresh Air!" pagpapaalam ko kay maam

Lucky Im INLOVE with my Gay Friend???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon