Prologue

8.7K 81 7
                                    

What is Love?

Iyun ang unang tanong na nabungaran ni Narda pagbukas niya ng isang blog dahil kanina habang nag-i-iscan siya ng site ay nakita niya ang website na iyun at na-curious siya sa pangalan ng blog na Ang Mahiwagang Mundo ni Paraluman pagkabasa niya ng pangalan ay may tila bell na tumunog sa kanyang tenga na para bang iyun ang sagot sa katanungan niya, na para bang iyun ang rason kung bakit siya nakababad sa internet. Kaya hindi niya napagilan ang sariling mga kamay na usisain ang blog pero bago pa niya iyun tuluyang mabuksan ay kailangan niya munang sagutin ang tanong. Kaya naman wala sa oras na napaisip si Narda.

Siguro kung sa Google siya magtatanong ay madali lamang iyun ngunit bakit hindi siya natutuksong magbukas ng isang tab at magresearch doon ng katanungan gayong kung gagawin niya iyun ay mapapadali ang pagpasok niya sa blog. Tila may isang mahika ang blog na iyun na nagsasabing kailangan niyang sumagot ng galing sa puso niya kung ano nga ba ang pagkakaintindi niya ng salitang pag-ibig. There was something about this blog she couldn't explain, gusto niyang tuklasin ang Mahiwagang Mundo ni Paraluman na tila sabik na sabik na siyang malaman iyun.

It must be the name of the blog site, aniya sa sarili. Siguro ay labis siyang nahiwagaan sa pangalan ng blog na iyun. Sa isang tila puting espasyo sa baba ng tanong ay nag-type si Narda ng kanyang sagot.

Love, isang simpleng salita ngunit maaring makapagbago ng buhay ng isang tao. Maari nitong wasakin ang buhay mo o di kaya ay muling buuin. Love, akala ko sa dictionary ko lang makikita ngunit totoo pala. Dahil 'nung ako ang tamaan ng love ay nawindang ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Ang daming depinisyon ng salitang love o pag-ibig ngunit para sa akin ang love ay parang roller coaster minsan nasa ibaba minsan nasa itaas.

Matapos niyang ma-type iyun ay pinindot niya ang ENTER at mayamaya pa ay lumitaw sa kanyang monitor ang tila isang box nagtatanong ulit at sa pagkakataong iyun ay username naman niya at kanyang email address kasama na ang kanyang password ang hinihingi.

Username: DarnangHindiMakalipad

Password: dingangbato09

E-mail:

Matapos niyang i-fill-up ang mga katanungang iyun ay may lumabas ulit na isang box na nagsasabing pasok na siya sa blog site. Sa wall ng blog ay nakita niya ang kanyang sagot sa tanong kanina bago pa siya nakapasok, nang i-scroll down pa niya ay nakita niya na hindi siya nag-iisang interesado sa blog na iyun, marami sila dahil maraming nakapost doon na mga sagot sa tanong na what is love. Binasa niya iyun isa-isa.

Ang LOVE ay parang promo ng Globe sa facebook, unlimited and free.

-posted by CinderElla

today 2:30 pm

1 comment

A positive outlook for love, love is everywhere and love is in the air. Teka diba kanta 'to? Haha, be positive always @CinderElla.

-paraluman

Ang love parang pelikula kung hindi now showing, coming soon.

-posted by MovieSTAR

today 10:00 am

1 comment

Yeah, a good definition for love and indeed True love waits aja! Huwag magmadali @MovieSTAR.

-paraluman

Love is companionship.

-posted by LIB

today 6:05 am

1 comment

Short but wise, keep it up @LIB

-paraluman

Napansin ni Narda na iba-iba ang depinisyon ng bawat isa pagdating sa pag-ibig at sa bawat sagot ay may komento talaga si Paraluman. May mga negatibong sagot may mga sagot naman na positibo at kahit ano pa ang sagot na iyun ay hindi iyun mawawalan ng komento mula kay Paraluman. Nag-scroll up naman siya at sa itaas ng blog ay may mga nakasulat doon tulad ng HOME, CONSULT TO DR. PARALUMAN, at ABOUT THE BLOG. Sa CONSULT DR. PARALUMAN siya napadpad dahil ang talagang ang pakay niya kung bakit siya naka-internet ngayon ay dahil may gusto siyang malaman. Nang-i-click niya iyun ay tumambad sa kanya ang pink na wallpaper na may malaking stethoscope na nasa background. May nakasulat din doon na Ikonsulta na kay Doktora ang Pusong Nagdurusa at sa ibaba niyon ay may isang space kung saan pwede kang mag-type ng mga tanong mo. She immediately proceed to the white space at nag-type doon ng isang tanong na matagal ng bumabagabag sa isip niya.

How can I make Him fall for me? I need your answer, ASAP.

Nang-iclick niya ang ENTER ay may lumabas ulit na isang box na nagsasabing hintayin niya daw ang sagot sa loob ng 24 hours. Napabuntong-hininga si Narda sa kadesperaduhan niya sa bagay na iyun na pati ang mga pakulo sa isang blog site ay pinatulan na niya. But she was desperate now, dahil hindi pwedeng patingin-tingin na lamang siya dahil wala ring mangyayari. Sana lang ay matulungan siya ni Paraluman sa kanyang katanungan.

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now