2

2.4K 34 1
                                    


"Ba't ang saya-saya mo yata? Kanina ka pa ngiti ng ngiti." puna sa kanya ni Lee habang nasa university library sila at naghahanap ng mga libro para kanilang susunod na subject.

"I have all the reasons to smile, naisip ko kasi dapat happy lang lahat at dapat positibo lang palagi." Aniya sa kaibigan at nginitian din ito.

Iiling-iling ito habang pumipili ng mga libro sa shelf ng Philippine Literature. "Nilalagnat ka ba o may nakain kang hilaw? Ang weird mo kasi. Pa-ingles-ingles ka pa diyan."

"Weird agad? Hindi ba pwedeng masaya lang?"

"Bakit ka nga masaya?" tila nauubusan ng pasensiya na tanong nito sa kanya.

"Basta, sa susunod ko na lang sasabihin sayo. Teka may pinapakuha pala sa akin si Musika na libro sa physics dito ka lang muna Lee, pupunta muna sa 'dun sa kabila." Sabi niya dito at tinungo niya ang kabilang shelf kung saan nandoon ang mga libro sa Physics, si Musika ang kanyang nag-iisang kapatid-dalawa lang kasi sila- na kumukuha ng BS Biology sa unibersidad na kanyang pinapasukan din.

Pagdating niya doon ay hinanap niya ang librong sinasabi ng kapatid. Nagsimula siyang maghanap mula sa pinakababa hanggang sa pinakataas hindi niya kasi kabisado ang mga libro sa physics kaya inisa-isa pa niya. Sa pinakataas na bahagi niya natagpuan ang libro na hinahanap at dahil medyo kapos sa height ay nahirapan siyang abutin iyun. Makailang ulit niyang nilundag iyun para maabot ngunit hindi niya talaga magawa hanggang sa may isang kamay na kumuha niyon. Haharapin niya sana ang may-ari ng kamay para pagalitan dahil basta na lang nito kinuha iyun pero ng pagharap niya ay nakita niyang si Strike pala ang lalaking iyun. Gosh, kaya pala sobrang bango.

"Here, mukhang nahihirapan kang abutin ang libro." Sabi nito sa kanya at inaabot ang libro.

Smile ka Narda, smile. Ngumiti siya ng pilit at kinuha ang libro. "Salamat, medyo mataas kasi at hindi ko maabot alam mo na medyo may kaliitan iyun height ko." Wika niya dito.

Ngumiti ito sa kanya at muling lumitaw ang dalawang biloy nito malapit sa labi ang cute din ng mata nitong nawawala kapag ngumingiti ito. "No probs, diba ikaw iyung nasa parking lot kanina?" tanong nito sa kanya.

Oh my gosh, natatandaan niya ako, hiyaw niya sa isipan. "Yeah, pasensiya na ulit kanina medyo napalakas iyung tawa ko hindi ko talaga kasi mapigilan, eh."

"Wala namang kaso iyun sa akin, eh, kaya ako muling napalingon sayo because you're amazing nagbabasa ka ng libro ng pabaliktad. Isn't it cool?" anito sa kanya na nagpabigla sa kanya.

Naghanap siya ng palusot sa isip. "Ahm, y-yeah, ganoon talaga ako minsan I like reading books na pabaliktad." Palusot niya, naku po, bakit hindi niya napansin iyun kanina siguro dahil sa sobrang nerbiyos at kaba.

"Pabaliktad mo din bang babasahin iyan? Naku, sasaludo talaga ako sayo." Biro nito sa kanya pero hindi siya natawa dahil hiyang-hiya siya ng mga sandaling iyun.

"N-naku hindi, kapatid ko ang magbabasa nito. S-sige mauna na ako sayo salamat ulit," at mabilis siyang tumalikod dito kipkip ang libro sa physics. Hindi parin mawala sa isip niya ang palpak niyang plano kanina, ang konsolasyon na lamang niya ng mga sandaling iyun ay natatandaan na siya ni Strike ngunit sa isang nakakatawang sitwasyon lamang.

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now