8

1.5K 24 0
                                    

Step 6: Do something considerate to your man.

(Be thoughtful to him kahit na mga maliliit na bagay lang ay maari na niya iyung ma-appreciate.)

Malapit na ang finals kaya naman ang ibang mga estudyante na katulad ni Narda at ni Strike ay puspusan na sa pag-aaral kaya kabi-kabila ang puyatan sa pag-aaral ng mga leksiyon. Nang umagang iyun ay dalawang baunan ang kanyang ipinahanda ang isa ay para kay Strike dahil kagabi alam niyang nagpuyat ito sa pag-aaral. Alam niyang hindi madali ang kurso nito kaya nitong mga nakaraang araw ay hindi sila masyadong nagkikita ngunit wala namang araw na hindi nagte-text sa kanya si Strike at palaging nangangamusta, maisip lamang niya na hindi siya nalilimutan ng binata gaano man ito ka-busy ay masaya na siya.

Dahil sa sobrang busy at hindi magtagpo ang kanilang mga schedule noong nakaraang linggo ay inalok siya ni Strike ng araw na iyun na magkita sila sa library ng school dahil may babasahin daw itong libro at nagkataon naman na magpapa-clear siya ng kanyang library clearance dahil nalalapit na ang bakasyon at kailangan niya na magpa-clearance dahil magiging busy na din siya sa mga susunod na araw. Dinalhan niya ito ng pagkain dahil baka sa sobrang busy nito ay hindi na nito makuhang kumain.

Papasok na siya sa loob ng library ay makita niyang nakaupo si Strike sa isang tabi at mukhang stress, mataman itong nagbabasa ng libro at panaka-naka ay nakatingin ito sa kwaderno nito, kagat-kagat din nito ang ballpen at nakakunot ang mga noo nito. He was very serious pero kahit ganoon man ang mode nito ay napaka-attractive pa din nitong tingnan hindi maiwasan ni Narda na lalong hangaan ang binata.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at mukhang hindi iyun napapansin ng binata dahil talagang naka-focus ito sa binabasa nito. Inilapag niya sa harap nito ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain na dinala niya para dito. Nang mapansin nito ang paper bag ay bigla itong nag-angat ng tingin at nang magtama ang mga mata nila ay biglang lumiwanag ang mukha nito.

"Ikaw pala Narda, kanina ka pa ba? Hindi kita napansin ah," sabi nito sa kanyang nakangiti. Napansin niyang parang nanlalalim ang mata nito at may mga konting stubbles na tumutubo sa baba nito.

"Paanong hindi mo ako mapapansin eh, mukhang tutok na tutok ka sa binabasa mo." Aniya dito at naupo sa harap nito.

Tiningnan nito ang laman ng paper bag at nakakunot-noong tumingin ito sa kanya ng makita ang laman niyon. "Para saan 'to?" turo nito sa paper bag.

"Para sayo 'yan, ipinahanda ko kay Mommy kasi 'kako baka sa sobrang busy mo ay hindi ka na makakain. Nakakain ka na ba?" tanong niya dito.

Umiling ito at nagyuko ng ulo na mukhang nahihiya. "Naku bakit ka pa nag-abala eh, nakakahiya sa mommy mo."

"Bakit ka ba mahihiya eh, magkaibigan naman tayo at isa pa tingnan mo nga iyang sarili mo baka lalo ka pang pumayat dahil hindi ka na makakain," sabi niya dito na puno ng concern nakita naman niyang ngumiti ang binata. "Bakit ka nakangiti?"

"Wala, salamat sa dala mo sakto nga at hindi pa ako nakakain." sabi nito at nginitian siya.

Tumayo naman siya dahil hindi siya pwedeng magtagal at magpapasa pa siya ng sanaysay na ipinagawa sa kanila ng professor niya. "Strike hindi na ako magtatagal ha, at sumaglit lang talaga ako dito para maihatid ko 'yan sige mauna na ako sayo at God bless sa exams mo." Aniya at akma na siyang aalis ngunit pinigilan siya ng binata at hinawakan nito ang kamay niya.

"Narda, salamat ulit, ha, hayaan mo at pagkatapos nitong mga exams natin ay babawi ako sayo."

Tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya, agad namang binawi iyun ng binata. "W-walang anuman iyun, ano ka ba. S-sige mauuna na ako." At nagmamadali siyang umalis sa loob ng library kasi habang tumatagal ay palakas ng palakas ang pagdaloy ng tila kuryente na nagmumula sa katawan nito tuwing magdadaiti ang kanilang mga balat.

Tumuloy na lamang si Narda sa kanilang silid-aralan at naabutan niya doon si Lee na nangongolekta ng mga folder na naglalaman ng mga na-compile na sanaysay na isinulat nila.

"Oh, saan ka galing?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Sa library nagpa-clearance lang ako, ito na ang mga sanaysay ko oh," aniya at ibinigay dito ang kanyang mga folder.

"Bakit hindi mo ako sinabihan sana sabay na tayo."

"Dumiretso na kasi ako doon pagkagaling ko sa bahay, mamaya sasamahan na lamang kita." Wika niya dito para hindi na ito magtampo sa kanya, alam na niya kasi ang likaw ng bituka nito madali itong magtampo.

Tumango na lamang ito bilang pag-sang-ayon at iniwan na siya para muling kolektahin ang mga folder ng mga kaklase niya. Naiwan naman si Narda na naupo sa isang tabi at nanatiling nakatingin sa kawalan hindi pa din mawala sa isip niya si Strike. Hiling niyang sana ay matapos na ang unang semester na iyun para magkaroon na ulit sila ng oras ng binata.


How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now