Step 8: Above all, don't try to force it.
(Kung sa tingin mo ay nagawa mo na ang lahat ng steps na iyun at tingin mo ay wala talaga ay huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya. Remember: hindi ka rin magiging maligaya sa piling niya kapag hindi siya maligaya.)
Isang simpleng damit lamang ang suot ni Narda para sa gabing iyun, sa tingin niya it would be enough to become very simple in that special night. Her dress reminds her who she really was, a simple girl with a special dream ang maging parte ng buhay ng taong mahal niya at walang iba iyun kundi si Strike. Simpleng make-up lang din ang ini-apply ni Musika sa kanya dahil iyun daw ang mas bagay sa kanya at ang kanyang buhok ay naka-french twist. Matapos tapunan muli ng tingin ang kanyang sarili sa salamin ay bumaba na siya sa kanyang silid at nakita niyang naka-abang doon ang ina at si Musika. Nginitian niya ang mga ito pagkababa niya.
"You look very lovely, Narda manang-manang ka talaga sa akin." Wika ng kanyang ina ng tuluyan na siyang makalapit sa mga ito.
"Sus, si mommy nambola pa, baka maniwala 'yan mamaya si ate na maganda nga siya." Biro sa kanya ni Musika na nasa likod lamang ng kanyang ina.
"Excuse me mas maganda pa ako sayo, noh." Turan niya dito at marahan itong hinampas sa balikat.
"Tumigil na nga kayong dalawa," saway sa kanila ng kanilang ina. "But seriously Narda, you're grown up now ngayon ko lang na-realize na malapit na kayong mawala sa akin because you and Musika will find your own life soon, kung nandito lamang siguro ang daddy niyo tiyak kong masisiyahan din siya." Wika ng kanyang ina na maluha-luha.
It touch her heart ngayon lang din kasi niya nakita na hindi na rin bumabata ang kanyang ina, mabilis nga talagang tumakbo ang panahon. "Mommy, kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan ni Musika, diba sis?" baling niya kay Musika na medyo maluha-luha na din.
"Oo, nga, pero kailangan mo ng magmadali Ate dahil baka magkaiyakan pa tayo dito mamaya at masira pa iyang porma mo." Paalala sa kanya ni Musika.
"I love you mom, and Musika this is it." Aniya sa mga ito matapos yakapin isa-isa at nagmamadali siyang lumabas ng bahay nila dahil nandoon na sa labas si Mang Karyo at naghihintay sa kanya para ihatid siya.
Date nila ngayong gabi ni Strike at nitong nakaraang araw na nagpapalita sila ng text messages ay nagpapahiwatig ang binata-hindi man direkta- na balak na siyang nitong pormal na ligawan sa gabing iyun. Kinunsulta na niya iyun sa ina at hindi naman tumutol ang mommy niya pero nagpaalala lang ito na hanggang doon lang muna at hindi pa sila pwedeng lumampas sa pagiging magkasintahan. Kay sarap isipin na hindi magtatagal at magiging pormal na nga niyang kasintahan ang binata.
Sumakay na siya sa kotse na puno ng excitement ang dibdib ang daming mga eksena ang naglalaro sa kanyang isipan ng mga sandaling iyun. And she couldn't help herself at nakangiti lamang siya biglang tumunog ang kanyang cellphone at ng tingnan niya iyun ay si Strike ang nagtext. Ang sabi nito ay mahuhuli lang daw ito ng konti dahil may aasiksauhin lang lately ay hindi na talaga sila nagkikita ng binata dahil sa sobrang busy nito, ang sabi lang nito sa kanya ay abala ito sa pagbabantay sa ina na hindi naman niya alam ang rason kung bakit dahil wala namang sinasabi sa kanya ang binata. But she respect that dahil personal na usapin na iyun sa buhay ng binata. Kahit na sinabi ni Strike na mahuhuli lang ito ng sandali ay hindi pa din nabawasan ang kanyang excitement ang importante sa kanya ng mga sandaling iyun ay dumating ito at matuloy ang date nila ngayong gabi.
Kinakabahan si Strike ng mga sandaling iyun ngunit binalewala lamang iyun ng binata, kahit ilang araw siyang binabagabag ng desisyon niyang ituloy ang panliligaw kay Narda ay pinindigan niya ang naunang desisyon. Hindi siya pwedeng maapektuhan sa mga sinabi ni Lee, hindi siya ang kanyang ama at hinding-hindi siya magiging katulad nito. At kahit na umalis pa sila patungong Cebu ilang linggo mula ngayon ay alam naman niyang makakaya nila ni Narda at maiintindihan siya ng dalaga. She was brave and strong girl at malaki ang tiwala niyang malalampasan nila ang bagay na iyun. Mahal niya ito at nais niyang bago siya umalis patungong Cebu ay makakasiguro siyang pagbalik niya ay may Narda pa siyang babalikan. Sa panahon ngayon ay mabils na din naman ang teknolohiya kaya hindi sila mawawalan ng komunikasyon.
YOU ARE READING
How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'
Fiksi RemajaNarda played the most dangerous game in life-the game called LOVE. Sa pag-ibig, dalawa ang maaari niyang kahinatnan: ang magkaroon ng happy ever after kasama si Strike o danasin niya ang unang pagkabigo. In the first part of the game, Narda played w...