Pag-uwi ni Narda sa bahay nila ay naabutan niya ang ina sala nila kaharap nito ang mga tatlong kahon siguro. Nagtaka siya kung ano ang laman ng mga kahong iyun. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol niya sa ina.
"Ano 'yan 'My?" tanong niya dito ng makalapit na siya.
Bumaba ito ng tingin at nanatili itong nakatingin sa sahig pagkatapos ng ilang minuto na hindi nito pagsagot sa tanong niya. "Mommy ano ang mga kahon na iyan? Sagutin mo nga ako?" kinakabahang tanong niya dito.
"Anak, N-narda, I'm sorry para naman sa kapakanan mo ang bagay na ito kaya nagawa ko eh, a-ang mga kahon na iyan ay mga sulat at mga bagay na ipinadala ni Strike sayo sa loob ng anim na taon." Wika ng kanyang ina.
Nanlumong napaupo siya sa sofa at mabilis na naglandas ang mga luha niya na hindi niya kayang pigilan. Marahang lumapit siya sa mga kahon at binuksan iyun isa-isa. Ang unang kahon ay naglalaman ng mga sulat nito dinampot niya ang unang sulat na nakita niya.
Dear Narda,
I'm sorry ngayon lang ulit ako nakasulat naging busy na kasi ako sa pagpapagamot kay Mommy at alam mo bang unti-unti na siyang gumagaling. Dahil diyan ay magagawa ko na ulit sumulat sayo araw-araw tulad ng nauna kong naipangako sa mga nauna kong sulat sayo na hindi ko alam kung nababasa mo dahil wala naman akong natatanggap na sulat mula sa iyo. Hindi na kita ma-text dahil pinagbawalan na ako ng mommy mo at nag-iba na rin ako ng cellphone number. Kaya sinusulatan na lamang kita para kahit papaano ay malaman kong matatanggap mo ito dahil sabi sa post office ay naipapadala naman daw diyan sa Maynila at may tumatanggap naman. Alam mo bang halos kilala na nila ako dahil sa araw-araw kong pagpapadala ko ng sulat sa iyo, malapit na pala akong grumaduate kahit na nagtransfer ako ng school dito sa Cebu na-credit kasi ang mga subject ko. Sana nandito ka sa araw ng graduation ko pero alam kong imposible iyun. Hanggang dito na lang muna ang lahat bukas ulit ako susulat sa iyo.
Mahal kita, mahal na mahal.
Strike.
Nabasa na ang papel na pinagsulatan ng sulat dahil sa mga luhang pumapatak doon sa tindi ng kanyang iyak. Tiningnan niya ang ina puno din guilt sa sarili. "Bakit? Bakit itinago mo ang lahat ng ito?" nagtatampong tanong niya dito.
"D-dahil hindi ko gustong umasa ka at masaktan ulit at gusto ko ng makalimutan mo na siya. Patawarin mo ako Narda, ang ikabubuti mo man lang iniisip ko." Sagot nito sa kanya.
"Pero nagsinungaling pa din kayo sa akin at buong anim na taon na inakala kong nakalimutan na ako ni Strike at sa buong anim na taon na wala akong naramdaman kundi galit at poot na para lang sa kanya. Iyun pala ay minamanipula niyo ang lahat." Galit na wika niya dito at pinagdadampot niya ang mga kahon at dinala sa kanyang silid hindi niya alintana ang bigat niyon.
Isa-isa niyang binuksan ang mga kahon at nakita niya ang mga teddy bear na regalo nito para sa pasko at sa birthday niya, mug na regalo nito sa Valentines day at kung anu-ano pang mga bagay. May mga litrato din nito noong grumaduate na ito at labis siyang umiyak dahil hindi pala siya tuluyang kinalimutan ng binata. Binasa niya ang mga sulat nito at nalaman niyang permanante na palang naninirahan ang mga ito sa Cebu at nagtatrabaho ang binata sa isang Engineering Firm doon at bukod sa pagiging engineer ay isa pala itong photographer na matagal na nitong hilig. At sinabi din nito sa isang sulat nito na sa bawat mga labas nila ay may baon itong camera at kapag hindi daw siya nakatingin ay kinukuhan siya nito ng litrato at sana ang mga litrato ay ipapakita nito sa araw na magtatapat ito. Magaling na din ang ina nito at sa buong anim na taon pala ay walang nakarelasyon ang binata dahil naghihintay ito ng tamang panahon para muli siyang balikan. Apat na buwan na palang tumigil ang binata sa pagpapadala ng sulat sa kanya dahil napagod na ito at balak na nitong kausapin siya ng personal nalaman din nito na hindi nakakaabot ang sulat sa kanya at ang huling sulat nito ay para sa kanyang ina na humihingi ng permiso na makausap siya at kung pwede na ibigay na ng ina niya ang mga sulat sa kanya. Gusto man siya nitong punatahan sa Maynila ay hindi nito magawa dahil sa mga aga-agam nito.
YOU ARE READING
How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'
Teen FictionNarda played the most dangerous game in life-the game called LOVE. Sa pag-ibig, dalawa ang maaari niyang kahinatnan: ang magkaroon ng happy ever after kasama si Strike o danasin niya ang unang pagkabigo. In the first part of the game, Narda played w...