13

1.8K 24 1
                                    


Six years later. . .

She was walking on the aisle at sa dulo niyon ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Lee ngunit tila kinakabahan. Gwapong-gwapo ang binata at hindi mo aakalain na ito ang dating nerd na si Lee dahil kung pagbabasehan ang tindig at porma nito ay mukha itong matinee idol. She was glad that Lee finally transform into a man he wanted to be hindi lang kasi pisikal na anyo ang nagbago dito kundi maging ang buong pagkatao nito. Marami ang nangyari sa nakalipas na anim na taon and her world can compare to a roller coaster ride dahil sa sobrang daming ups and down na pinagdaanan niya. But those years mold her to become a better woman naging matatag na siya at naging mas matalino sa kanyang mga desisyon.

Nang makatapat na siya sa binata ay nginitian niya ito at kinuha naman nito ang kamay niya. He was very cold at halata ang mga pawis na namumuo sa gilid ng noo nito.

"Don't be nervous nandiyan na si Musika sa labas and my final words Lee congrats and take care of my sister ako ang una mong makakalaban kapag sinaktan mo siya," paalala niya dito.

Tumango ito sa kanya. "You know that I cant do that to your sister, I love her." sagot na lamang nito sa kanya at nasiyahan naman siya sa sagot nito dahil isa siya sa naging saksi sa tunay na pag-iibigan ng dalawa.

Umalis na siya sa harap ni Lee at naupo na siya sa kabilang panig kung saan kasama niya ang mga brides maid, siya ang maid of honor ng kapatid. Maya-maya pa ay bumukas ulit ang pintuan ng simbahan at iniluwa niyon ang kanyang napakagandang kapatid, Musika was wearing a white bridal gown na gawa ng isang kilalang fashion designer sa bansa. She was happy for the result of everything for the past six years naging masalimuot man ang naging unang taon 'nun ay nalampasan naman niya iyun sa tulong ng kanyang pamilya at kaibigang si Lee. Sariwa pa sa kanyang mga alaala kung paano siya nagpakatanga at kung paano niya muntik ng sirain ang buhay. Ang pagkawala ni Strike sa buhay niya ay labis ang naging epekto sa kanya, may mga araw kasi na nagigising lamang siya sa kalagitnaan ng gabi at umiiyak siya at kung minsan naman ay bumabalik siya sa restaurant at hinihintay ang binata. Muntik na siyang hindi makapag-aral ng semestreng iyun at hindi maka-graduate dahil sa kanyang kagagahan. Mabuti na lamang at napilit siya at napagalitan kaya naman natauhan siya.

"Sisirain mo ang buhay mo dahil sa lalaking iyon? Sa lalaking hindi ka ipinaglaban at iniwan ka, gumising ka nga Leonarda sa tingin mo ba ay matutuwa ang ama mo dahil sa nangyayari sa iyo ngayon? Halos hindi ka na makakain dahil sa kakaisip sa kanya at palagi ka na ring umiiyak. Umpisa pa lang ay pinaalalahanan na kita pero hindi mo ako sinunod, maawa ka sarili mo at isipin mo na lang na habang nagmo-move-on si Strike ikaw naman ay naiiwan dito at pilit na sinisira ang buhay mo. Kung talagang kayo ay kayo talaga, kung hindi, hindi." Bulyaw sa kanya ng kanyang ina na sa unang pagkakataon ay pinagalitan siya ng ganoon katindi.

Ang bawat salitang binibitawan nito ay parang mga palaso na tumama sa kanyang dibdib at nasasaktan siya. Niyakap niya ang ina at umiyak sa mga balikat nito. "I'm sorry 'my, talagang mahal ko lang siya pero pangako aayusin ko na ang buhay ko." Aniya dito at narinig din niya ang mga hikbi nito.

"Alam kong malalampasan mo 'to dahil alam kong malakas ka hindi pa naman mauubos ang mga lalaki 'nak kaya huwag ka ng mag-emote." Pang-aalo nito sa kanya na may halong biro kaya kahit papaano ay napangiti siya.

Simula ng araw na iyun tulad ng pangako niya sa ina ay inayos nga niya ang kanyang buhay at kahit mahirap ay pilit siyang nagmo-move-on. She realize from that day that the hardest part of moving on is forgetting the one you love, because as they say you cannot unlove the person you love. Pero naging determinado siya at nakayanan niya ang mga pagsubok na iyun, itinuon na lamang niya ang kanyang buhay sa kanyang mga pangarap. She was now a college professor sa isang sikat na unibersidad at nagtuturo siya ng Filipino and also she was a Carlos Palanca awardee at mula sa kategoryang sanaysay, maikling-kuwento at nobela ay pawang nakakuha siya ng unang gantimpala.

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now