1

4.6K 36 1
                                    


Step 1: Smile well and often.

(Smile lang palagi kapag nandiyan si crush, it is your best weapon.)

Nakasimangot na nakikinig si Leonarda "Narda" Buenavista sa kanyang guro sa Filipino, paano namang hindi napaka-boring kasi nitong magturo na hindi halos marinig sa likuran ang boses nito. Isa pa naman sa major subject niya ang asignatura na iyun dahil ang kanyang kurso ay AB Filipino major in Malikhaing Pagsulat, gusto niyang maging tagapagtaguyod ng literatura at wikang Filipino dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang pinapatay ng mamayang Pilipino ang sariling wika. Mas tinatangkilik kasi ng mga kabataan ngayon mga dayuhang wika kaya unti-unti ding namamatay ang OPM, mga librong gawa ng Pinoy na manunulat at mga pelikulang Pinoy. Alam niyang iilan na lamang sa mga kabataan ngayon ang nakakakilala sa mga manunulat na sina Lualhati Bautista, Liwayway Arceo, Amado V. Hernandez at maging sa direktor na si Lino Broca. Nakakatawang isipin na mas kilala pa ng mga ito sina J.K. Rowling, Sydney Sheldon, Stephen King at William Shakespeare. Kung mababasa lang sana ng mga ito ang libro ng mga manunulat na nabanggit ay tiyak niyang magiging proud din ang mga ito dahil maaring ihanay ang ating mga manunulat sa ibang dayuhan na author.

Kaya naman nakabuo siya ng desisyon na isa siya sa mga magiging instrumento para muling manumbalik ang sigla ng wikang Filipino. High school pa lang alam na niya ang gusto niyang gawin, marami na siyang maikling kwento at mga sanaysay na naisulat at gusto nga niyang ipasa iyun sa Palanca Memorial Award pero sa tingin niya hindi pa iyun ang tamang panahon. Gusto din kasi niya ang magsulat sa Filipino at idol niya ilan sa mga makabagong manunulat sa Filipino. Alam din niyang ng araw na kumuha siya ng kursong AB Filipino ay nagbunyi sa langit sina Jose Rizal, Andres Bonifacio at Manuel L. Quezon at parang nakikinita na niyang pinupuri ng mga ito si Narda Buenavista, ang makabagong tagapagtaguyod ng wika. Pero hindi lang ang mga namatay na bayani ang tiyak niyang natutuwa kundi maging ang kanyang namayapang ama din na dating isang comics writer. Ang kanyang ama ay dating nagtatrabaho sa Liwayway Komiks ngunit kasabay ng paghina ng limbagan ay naratay din ang kanyang ama sa sakit na kanser at namatay. Kaya naman may palayaw siyang Narda dahil sa sikat na karakter sa komiks na si Darna.

"Binibining Buenavista maari ka bang magbigay ng halimbawa ng isang maikling kuwento na gawa ni Matute," bumalik siya sa kasalukuyan dahil sa pagtawag na iyun ng kanyang guro na kasing kupad ng pagong kung gumalaw at parang may nakabara na papel sa lalamunan nito sa sobrang hina ng boses.

Tumayo siya at pinahalata ditong nababagot na siya. "Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute," aniya at naupo ulit.

"Hoy, halata ka naman masyado na tinatamad sa klase ni Maam." Wika ng kanyang katabi na si Leopoldo Ismael, Lee for short. Ito ang kanyang bestfriend at nag-iisang kaibigan sa mundo, hindi kasi siya masyadong palakaibigan at ito lang ang nakatiis sa kanya at hindi siya iniwan kaya wala siyang choice kundi ituring ito na bestfriend. Mabait naman si Lee at mula elementary pa naman kasi ay magkasama na sila at hanggang ngayong fourth year college na sila ay magkasama pa rin dahil pareho lang naman sila ng kurso.

"Sino naman ang hindi tatamarin dito? Kung ganyan lahat ang guro sa Filipino tiyak wala na talagang tatangkilik sa ating kurso." Aniya dito pero hindi naman lahat ng kanyang guro ay katulad ni Maam Toledo may ilan namang magaling magturo.

"Tiisin mo na lang malapit ng mag-eleven thirty," sabi ni Lee sa kanya.

"11:30? My gosh kailangan ko siyang abutan," aniya at nagmamadaling lumbas ng kanilang class room. Hindi na siya nagpaalam pa sa kanilang guro. Mabilis na naglakad siya sa hallway patungong parking lot dahil ganitong mga oras dumarating si Strike—ang kanyang ultimate crush- na noong unang beses na makita niya ito sa parking lot ng university at nagtama ang kanilang mga mata ay mabilis na tumibok ang kanyang natutulog na puso. Sa isang tulad niyang masasabing may isang hangarin sa buhay na makabayan ay hindi niya kilala ang salitang "crush" dahil wala pa iyun sa kanyang bokabularyo. Ngunit ng makita niya si Strike ang 5th year Mechanical Enigeering student ay nag-iba ang ikot ng kanyang turnilyo dahil naniwala na siya sa salitang paghanga at habang tumatagal nga ay unti-unting nahuhulog sa salitang pag-ibig. She could still remember that day the first time she laid her eyes on him.

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now