Opisyal ng nagtapos ang unang semestre para sa taong iyun kaya naman ang mga estudyanteng tulad ni Narda ay nasa bakasyon na. Pagkatapos ng gabing iyun na pumunta sa bahay nila si Strike ay naging madalang na ulit ang pagkikita ng dalawa pero hindi naman napuputol ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng cellphone dahil halos araw-araw siyang tinitext ng binata at kinakamusta. Alam naman niya na may inaayos pa ang binata sa pamilya nito kaya hindi na muna sila masyadong nagkikita at naiintindihan iyun ng dalaga. Sa kasalukuyan ay nasa coffee shop nila siya at tumutulong sa pagbabantay doon kasama ang kaniyang kapatid na si Musika kapag mga ganoong bakasyon kasi ay tumulong sila sa kanilang negosyo. Nasa counter siya at nagsusulat ng order ng mga kostumer ng bigla niyang nakita si Musika na papalapit sa kanya parang may tinatago ito mula sa likod nito nakangisi din ang kapatid.
"Oh, anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan?" tanong niya dito ng tuluyan na itong makalapit.
"Guess what?" anito na hindi pa din matanggal ang ngiti sa mga labi.
Pinandilatan na lamang niya ito ng mga mata dahil sa kaartehan nito. "Musika kung ano man iyan wala akong panahon diyan dahil busy ako, diretsahin mo nga ako." Saway niya sa kapatid pero may namumuo ng excitement sa kanyang puso.
"KJ mo talaga kahit kailan, oh, mga flowers galing kay Strike," at inilabas nito ang mga bulaklak na itinatago sa likod. It was bouquet compose of red roses at iba pang uri ng bulaklak na hindi niya kilala, rose lang ang kilala niya.
Bigla ay naramdaman niyang nag-blush siya dahil sa sobrang kilig. "Talaga, O.M.G," aniyang hindi makapaniwala pero tinanggap ang bulaklak at inamoy iyun.
"Ayan, kilig na kilig ang inlababo dito palibhasa first time makatanggap ng flowers," tukso sa kanya ni Musika.
"Tse, inggit ka lang." at pinandilatan niya ito ng mga mata, natatawang tumalikod na lamang ang kapatid niya at iniwan siya doon sa counter. Tama si Musika iyun nga ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng bulaklak and she couldn't explain the happiness she felt now. Dahil ano nga ba ang ibig sabihin kapag ang isang lalaki ay nagpadala ng bulaklak sa isang babae? Hindi ba at sign na iyun na manliligaw na ito. Matapos niyang itabi ang bulaklak ay may nakita siyang nahulog na papel, may notes pa palang kalakip ang bulaklak. Dinampot niya iyun at binasa.
I hope you like the flowers, I miss you meet me on Saturday night in Soledad's Place lets have some dinner. Strike.
Ang wika ng nakasulat sa maliit na papel na iyun, mariin niyang nahawakan ang papel dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Ito na siguro ang hinihintay niyang pagkakataon na magtatapat na si Strike ng nararamdaman nito para sa kanya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at agad na nag-text sa binata sinabi niyang makakarating siya sa sabado, the best day of her life.
Masaya si Musika para sa kapatid dahil ang matagal nitong hinihintay ay mangyayari na, she was happy that she could see her sister's happiness. Alam niya kung gaano kalaking pagbabago ang naidulot ng pagmamahal nito kay Strike dahil mas pina-improve ng kapatid niya ang pisikal na anyo nito at mas naging masayahin ito. Siya na lamang ang naiwan sa kanilang coffee at ang iba pang crew doon dahil nauna na ang kapatid sa pag-uwi ang mommy naman niya ay nasa kabilang branch ng kanilang coffee shop. Nakaharap siya ngayon sa kanyang laptop at nanonood ng mga music video ng kanyang paboritong singer.
"Musika pwede ba kitang makausap?" anang isang tinig na dumistorbo sa kanyang panonood. Nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang si Lee at iyun mukhang problemado, kung gaano ito ka-close kanyang ate ay hindi naman sila magkasundo ng binata kaya isang himala na nilapitan siya nito at kinausap.
"Anong nakain mo, kinausap mo yata ako ngayon?" tanong niya dito, mag-usap man sila nito ay palagi naman silang nagbabangayan.
"This is serious okay kaya umayos ka nga," sita nito sa kanya na mukhang napipikon dahil sa tanong niya.
YOU ARE READING
How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'
Teen FictionNarda played the most dangerous game in life-the game called LOVE. Sa pag-ibig, dalawa ang maaari niyang kahinatnan: ang magkaroon ng happy ever after kasama si Strike o danasin niya ang unang pagkabigo. In the first part of the game, Narda played w...