Epilogue

3.8K 44 3
                                    


Pagkatapos ng anim na taon ay muling magla-log-in si Narda sa blog site ni Paraluman at maligaya siya ng makita niyang hindi pa iyun nawawala, marami na nga lang ang nag-improve at nakikisabay na ito sa makabagong teknolohiya. Dahil invalid na ang kanyang account doon ay kailangan niya ulit gumawa ng isa pang account, gusto niyang magpasalamat kay Paraluman dahil isa ito sa mga naging instrument para makamit niya ang kanyang hinahanap na pag-ibig. Pero hindi pa siya natatapos mag-fill up ng lahat na kailangan niyang fill-up-an ay namatay ang kanyang computer kaya nanlulumo siyang tumayo. Akala niya brown-out pero natabig pala ng pusa ni Musika ang main switch ng computer kaya na shut-down. Hindi na siya makapaghintay pa na muling buksan ang kompyuter niya kaya nagtungo na lang siya sa silid ng ina dahil may sarili din itong PC sa loob ng kwarto nito. Wala ito doon at naririnig niyang nakabukas ang gripo sa banyo sa silid nito.

"My, pahiram po ng computer emergency lang," aniya at naupo na siya sa harap ng computer.

"Hintayin mo akong makalabas huwag mo munang buksan, sandali na lang 'to." Sabi nito sa loob ng banyo.

Hindi na siya sumagot at nag-click na sa muse ng computer dahil naka-hibernate iyun. At nang buksan niya ang computer ay nagulat siya sa nakita, naka-log-in din ang ina sa blogsite ni Paraluman. At ang labis na gumulat sa kanya ay ito ang admin ng nasabing blog. Bigla ay bumukas ang banyo at nakita niya ang ina na nakaroba lang natigilan din sa nakita niya.

"Ikaw si Paraluman mommy?" pagkokompirma niya dito.

Tumango lamang ang ina at ngumiti, nag-peace sign din ito. Nabigla siya sa nalaman, ang inaakala pala niyang Fairy godmother ay siyang totoo pala niyang ina.

"Ang dami niyo ng itinatago sa akin, ano pa ho ang hindi ko alam?" natatawang tanong niya, she was happy to know that her mother is Paraluman, the internet sensation blogger.

"Ako din ang ang may pakana kung bakit nagkatuluyan sina Lee at Musika, but don't spoil it, secret lang natin 'yun." Anito at humagikhik.

Ngumiti na lang din siya. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at agad na tinext si Strike.

You should thank my mother, siya pala si Paraluman the blogger iyung sinasabi ko sayo na tumulong sa akin, babe. BTW, kailan luluwas sina Mommy mo at Santi para masukatan sila?

Agad niya iyung i-se-nend at itiniago muli ang cellphone. Month's from now she would be Mrs. Strike Tan and excited na siya sa susunod na yugto ng kanyang buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now