SA isang sikat na fast food chain siya dinala ni Strike at natawa siya dahil ito pala ang sinasabi nitong good place. Sabagay masarap naman talaga ang mga pagkain dito.
"See, diba tama ako, masarap talaga ang mga pagkain nila dito dahil ito ang pinaka-suki ng lahat ng mga estudyante kapag nagde-date sila at nagtitipid, sosyal na masarap pa." natatawang wika sa kanya ni Strike.
"Naisahan mo ako 'dun, ah. But anyways hindi naman importante iyun diba, ang importante kung sino ang kasama mo, tara na sa loob." Pasimple niyang banat dito at nauna na siyang pumasok sa loob at naghanap ng puwesto, karamihan nga sa mga kostumer doon ay mga estudyante.
"Ako na ang o-order para sa ating dalawa, maghanap ka na lang ng mauupuan natin." Sabi nito sa kanya at nagtungo na sa counter para pumila. "Oh, wait ano nga pala ang gusto mo?" sabi nito bago tuluyang tumalikod.
"Kahit ano, hindi naman ako mapili sa pagkain." Sabi niya dito.
"Okay, sabi mo iyan, ha." At tuluyan na itong nagtungo sa counter samantalang siya naman ay naghanap ng mauupuan nila. Sa medyo pinakadulo na may pandalawahang mesa siya naupo.
Pagkaupo niya ay inilabas niya agad ang kanyang maliit na notebook. Simula sa araw na iyun ay isusulat niya doon ang mga importanteng pangyayari sa buhay niya na kasama niya si Strike nauna niyang naisulat doon ang nangyari kahapon. Isinulat niya sa notebook ang petsa at araw ng mga sandaling iyun.
Martes ngayon, first date ko with Strike at dito kami sa isang fast food chain, simula siguro sa araw na ito ay ito na ang paborito kong kainan.
"Ano iyang isinusulat mo?" tanong ng binata na hindi niya alam na nakalapit na pala, bitbit nito ang mga inorder.
Natataranta naman siyang itinago iyun sa bag. "W-wala mga gagawin ko mamaya, mukha yatang sobrang dami naman ng inorder mo." Pag-iiba niya ng paksa ng usapan.
"Siyempre naman para hindi mo sabihing kuripot ako," at tumawa ito. "Just kidding hindi ko kasi alam kong ano ang gusto mo eh, kaya dinamihan ko na lang para marami kang pagpilian." At inilapag nito ang mga inorder sa harap niya.
"Itong spaghetti na lang akin tsaka itong sundae, hindi siguro ako magra-rice sayo na lang 'yan." Aniya habang kinukuha sa tray ang plato na may spaghetti.
"Opps, hindi pwedeng hindi ka kumain ng kanin, dinamihan ko talaga 'yan kaya dapat kumain ka." anito habang inisa-isang ilapag sa harap niya ang kanin na may kasamang garlic pepper beef.
"Pero hindi talaga ako gutom, Strike." Tanggi pa niya sa binata.
"Sa ngayon pero mamaya magugutom ka, diba may pasok ka pa. I insist na kainin mo 'yan please," pagmamakaawa nito sa kanya.
At sino siya para tumanggi sa nilalang na ito, he never thought Strike was that sweet kaya napipilitan man ay kinain na lamang niya iyun. Habang kumakain ay makailang ulit niyang nahuhuli si Strike na nakatingin sa kanya at tuwina kapag nahuhuli niya ito ay namumula siya.
"You never fail to amaze me each time when we were together." Sabi nito mayamaya habang kumakain silang dalawa.
Binigyan naman niya ito ng nagtatakang tingin. "Ano at bakit naman?"
"I thought the first time I saw you you were crazy when I saw you reading a book na pabaliktad, the second time in the library I thought you were boring because of your outfit, the third time when I hit you a ball and you surprise me with your new look I now that behind those braces and eyeglass you were beautiful but I never imagine you were that beautiful at ngayon ngang pinagmamasdan kita hindi ko makita ang kahit na anong bakas 'nung babae na nagbabasa ng baliktad na libro. You are really intriguing. You transform very well hindi ka naman pala baliw at boring you were nice and fun to be with." Sabi ng binata sa kanya na tila manghang-mangha pa.
YOU ARE READING
How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'
Teen FictionNarda played the most dangerous game in life-the game called LOVE. Sa pag-ibig, dalawa ang maaari niyang kahinatnan: ang magkaroon ng happy ever after kasama si Strike o danasin niya ang unang pagkabigo. In the first part of the game, Narda played w...