Chapter III

97 32 0
                                    


The threat.

"Nak? papasok ka ba?" Ang banayad na pag-haplos sa akin.Ng magandang nilalang na nasa aking harapan.ng hawakan nito ang aking buhok at gumising sa aking buong diwa.

iminulat ko ang aking mga mata upang masilayan siya.
Sana man lang nakuha ko ang looks na 'yon..

Nakangisi ito sa akin.ng biglang sumabit ang sing-sing nya sa buhok ko.
"Anak!"ang matalim nyang tingin sa akin.
"'Di mo nanaman ba sinuklayan yang buhok mo?" Ang nakaka-irita nyang tanong.

"Mama naman eh!"tumalikod ako sa kanya at sabay sabing "ma! kakagising ko lang ganyan talaga ang buhok ko rare yan!"
Ang pelosopo kong tugon kay mama.

Isang mahinang sapak ang naramdam ko sa aking batok.
"Aray ko naman! Mama naman eh!"

"Bumangon ka na nga at papasok ka pa sa school!" Ang sambit nito bago lumabas ng aking silid.

Lahat nalang ba ng tao buhok ko laging nakikita?
Yung iba nga nagpa-pasadya pa na maging kulot.
Ako na natural na ang pag-kakakulot kung laiitin ng iba wagas?

Ang malungkot kong sambit,bumagon na ako at iniligpit akasingng higaan.
Ayaw ni mama na makalat ang  kwarto ko ,lalong-lalo na ang aking higaan.
Gusto nya kasing lahat malinis tignan.

...........

Hi Yael! Ang bati sa akin ng mga babaeng estudyante.
Naka-kaasar na nga pag-laging ganito ang eksena.

Minsan kahit nanahimik lang ako sa isang lugar.parating may naka-buntot na mga babae sa akin.
Normal na nga sa akin kung ituturing iyon.
Pero madalas naka-kairita na.

Narito ako ngayon sa labas ng campus nag-hihintay nalang ng ilang minuto bago pumasok sa classroom.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Palagi ko nalang itong ginagawa.

Papasok na ako nahagip na din naman ng aking mata ang nais kong makita.
isinakbit ko na ang aking sling bag sa likod ko.
Inayos ko ng kaunti ang buhok ko.at
Dumeretso ng lakad papunta sa school gate.

Pinauna ko lang maglakad ang ibang mga estudyante.
Tahimik na nag-mamasid sa mga mangya-yari sa paligid.

Pinag-mamasdan ko ang isang nilalang na animoy tuta sa sobrang kacu-tan.
Pero kung magalit ay Leon ang kinakalabasan.

Mabangis! Sya lang ang ang nakapag-pahanga ng ganito sa akin.
At tanging ako lang ang nakaka-alam ng buong pag-katao nya.

.........................

"Mahal may mensahe ka basahin mo na!"
Narinig ko na naman ang ringtone kong paasa!"
Ahahahaha! ang walang hikbi kong pagtawa.

Tinungo ko uli ang aking messaging app.
At binasa ang text.

"Mag-ingat ka ha?nandito lang ako magbabantay sa iyo! :) "

Laking pag-tataka ko kung sino ang unknown number na ito?
At para bang pamilyar ang numerong ito?

Na-alala ko bigla ung taong nagtext sa akin nung nakaraan linggo, bago ako napa-away sa hallway ng faculty.

Nung panahong ginagawa ko pa ung mga school projects ko naka deadline na.nag-balik tuloy bigla yung mga eksenang 'yon.

Hinihintay ko kasing dumating si Ma'am Miranda dahil i-nadvance ko na yung tatlong Biology project namin.
Pero sa kamalasan ko ng araw na iyon,ay hindi ko na nai-abot sa kanya yung mga projects ko na nasa loob ng bag ko.
buhat nga ng dumating yung tatlong ungas na 'yon.

Code Red IrisWhere stories live. Discover now