"Welcome back Celine!"
..yan ang nakasulat na mga salita sa aming green board.
nakaka-tuwang isipin na may puwang pala ako sa puso ng aking mga kaklase.maluha-luha ako ng pumasok na ako sa aming classroom.
aktong pag-tapak ko papalapit sa pintuan ng aming silid aralan.ay may nataaman ang aking binti na isang matigas na tali.napara-bang sinadyang itali malapit sa pintuan. saktong pag-pasok ko sa loob ng classroom naramdaman ko agad ang pag-patak ng tubig sa aking balikat.laking gulat ko ng mahulog sa akin ang isang balde ng tubig.
nagtawanan silang lahat ng makita nila akong basang-basa mula ulo hanggang paa.
"sabi na nga ba.kaya pala kinakabahan ako, bago umalis ng bahay kanina."ang sambit ko sa aking sarili.
hindi ko nalang ininda ang nangyari at nag-patuloy akong mag-lakad sa loob.habang sila ay patuloy sa pagtawa,at hindi parin maka get over sa nakita nila.napansin kong nakatingin lang sa akin si Chona,at tahimik sa kanyang pwesto.
Naka-kalungkot isipin pero wala naman akong magawa buhat nga naman baka pati siya'y mapag-tripan.
Akala ko ayos na ang lahat,hindi pa pala.nagpatuloy parin ako kahit na basa ang aking katawan.di ko nalang ininda ang nangyari.
.................
LUNCH TIME.Nag-ring na ang school bell.pagpatak ng alas dose y media ng tanghali.
Nag-uumpisa ang aming lunch break.kahit na nangi-nginig pinilit ko paring mag-kunwaring parang walang ngyari.
Biruin mo ba namang sinamahan pa nila ng yelo ang Baldeng my tubig na bumuhos sa katawan ko.Normal nalang sa akin ang mapag-isa.sino na naman ako 'di ba?
Ng maka-rating ako sa canteen at makuha na ang aking inorder na pag-kain.
Nag-hanap agad ako ng lamesa na pwede kong ihapag ang aking dala.Tila ba nanadya ang lahat.bawat lamesang puntahan ko lahat sila'y inu-ukupahan ito.
Para lang akong hangin kung ako'y kanilang ituring.
Ang sakit lang kasing isipin."Ano na naman ba ang kasalanan ko?bakit ba nila ako pinaparusahan ng ganito?"ang walang sawa kong tanong sa aking sarili.
Maya pa ay binato ako ng nirolyong papel ng isang lalaking estudyante,napalagay ko ay nasa first year palang.
"Panget!" Ang sabi nito sa akin.Patay malisya ko nalang itong ' di ininda.
Nag-patuloy ako sa pag-hahanap ng pwesto.sakto namang may isang bakanteng lamesa na tila ba ilag ang lahat na puntahan.Malaki ito at kay gara ng desenyo,pati ang mga upuan ay napaka-ganda ng pag-kakagawa.naglakas loob akong umupo doon.'pag-kat wala na akong ibang lamesang pwedeng lapitan.
Nag-tinginan ang lahat ng ako ay nandoon at naka-upo na.
Maya'y may taong lumapit sa akin At may inalis na kung ano sa aking likuran.
Narinig ko ang ilan na sinabing "patay ka ngayon!"Lumapit ito sa lamesa na kung saan ako naka-upo At ito'y tumabi sa akin.
Na mumukhaan ko ang taong ito."Ang basa ng likod mo,baka mag-kasakit ka niyan?"ang pag-aalala nito sa akin.
Ini-abot niya ang kanyang blue checkered na panyo.napansin kasi nito ang basa kong damit.maya pa ay may kinuha ito sa loob ng kanyang bag.isang white T-shirt na super bango na kahit sa malayo ay maamoy mo na.
Ini-abot niya rin ito sa akin."Mag-palit ka ng damit. Baka sipunin ka!"ang sabi nito na nakakunot ang noo.
Napa-kabait ng nilalang na 'to,pilit kong ina-alala kung saan ko nga ba siya unang nakita?."Sorry nga pala nung nakipag-unahan ako sa iyong makapasok ng gate noong first week of school." Ang dugtong pa niya.
Sa sobrang lungkot na dinanas ko ngayon,muntikan ko na siyang hindi ma-alala.sa tagal na naming hindi nag-kita ngayon pa kami nagtagpo sa ganito pang eksena.
YOU ARE READING
Code Red Iris
Mystery / Thrillerang storyang to ay galing lang sa aking imahinasyon. ang mga tauhan o pangalan ay gawa-gawa lamang at hindi kinopya kanino man. kung sakaling may kapangalan man ito sa toong buhay hindi ko po ito sinasadya. ang lugar at pangyayari sa storyang ito ay...