After 1hrNagtawag ng pangalan si Ma'am Jesalva.
Mr.Gonzales , Mr.Alvarez , Mr.Romero,
Mr.Akira all of you come to the faculty office ASAP!
Kaming lahat ay nag-tataka kung bakit sila kailangang pumunta sa office isang oras na lang ay uwian na.
"Hhhhmmmm.....bakit kaya?"All of you class you may dismiss..
Except those four guys.ang ulit ni Ma'am Jesalva.Hindi nalang ako nagtanong pa kung bakit sila pintawag.at isa pa pansin ko lang kanina pa kami mag-katabi ni Chona pero ni isang beses di man lang niya ako kinamusta?
"Celine!"ang pagtawag sa akin ni Miss J.
"Po?"na tinuro ko pa ang sarili ko.
"Maiwan ka rin" ang ulit nito.sakto namang hindi pa ako nakakatayo sa aking kina-uupuan.
"Come with me!" Ang dugtong niya.
"Ang lahat ay abala na para maka-uwi ako maiiwan pa?
Ano naman ba problema?"ang tanong ko sa aking isip.Di rin nagtagal ay pinasunod na ako ni Miss J. Sa kanya.
"Celine tapusin mo na muna yung mga special exams mo para ma-calculate ko na yung grades mo for second quarter."ang sabi niya habang kami ay patuloy na nag-lalakad.Maya'y huminto kami sa isang kulay puting pinto.at kumatok.
"Tao po?, si Miss Jesalva po ito" ang sabi ni Ms.JWalang ano-ano'y bumukas na ang pinto at sinalubong ni Ms.J ng ngiti ang tao na nag-bukas nito.
"Welcome! Come in, Miss J."ang magalang nitong pag-bati.
"Siya na ba yung mag-titake ng exams?"ang tanong ng lalaking nag-patuloy sa amin sa loob ng kwarto.
"Yes sir!"ang sabi ni Ms.J.
"O sige pwede mo na siyang iwan tutal tatlo lang naman silang mage-exam ngayon".ang dugtong nito."Oh siya Celine! May tiwala ako sa iyo na masasagot mo lahat ang question's sa exam mo! Good luck ok!?" Ang sabi ni Ms.J.
At maya pa ay nag pa-alam na ito sa akin at sa lalaking kausap niya."Bye Sir Rob! 'kaw na ang bahala kay Celine?"ang dugtong ni Miss J.
"Salamat! Ingat !" Ang sabi ni Sir.Rob.
Maya pa ay bumaling na ang tingin nito sa akin.indikasyon na kailangan ko ng mag-focus sa aking exam.
"Ms.Celine i heard a lot of things about you..and guess what? You empress me!" Ang nakakapag-takang sabi ni Sir.Rob.
"Ok let's start hapon na kasi.at para naman hindi na rin tayo gabihin pag-natapos na ang exam niyo."ang dugtong niyang sabi.
"Pls seat on the left side..one seat apart from Mr. Andrew"
nasa gitna ito at may isa pa siyang katabi na one seat apart din ang pagitan sa kanya.ng makarating na ako sa aking pwesto."A'right miss Celine that's Cool!
So let's start now?"
Ini-abot na niya ang aming test sheets. Na nag-umpisa sa akin hanggang sa dulo."Mr.Andrian this is your Examination paper" ini-abot niya ang papel kay Adrian
"Andrian? andito rin pala siya?"
bigla ako napalingon sa mga katabi ko."Andrew? Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya?..Andrew --- he's name sound familiar? Hmmm...mamaya na nga.."
Pinag-walang bahala ko muna ang mga taong ito at inumpisahan ko na ang pag-sagot sa aking papel."Bibigyan ko kayong Tatlo ng 30 mins para sagutin ang special exam' papers na yan,at pagkatapos ay kailangan niyong ilagay ang nabuo niyong equation sa mga computer.na nasa gilid lang ninyo. pwede kayong mamili kahit saan sa sampong desktop na narito."
YOU ARE READING
Code Red Iris
Mystery / Thrillerang storyang to ay galing lang sa aking imahinasyon. ang mga tauhan o pangalan ay gawa-gawa lamang at hindi kinopya kanino man. kung sakaling may kapangalan man ito sa toong buhay hindi ko po ito sinasadya. ang lugar at pangyayari sa storyang ito ay...