9:00 a.m..
Beeep!!! Beeep!!! Bee--"Ang ingay naman!"
Dinampot ko ang aking malambot na puting unan.na nakatakip sa aking mukha at inihagis ko ito sa nagri-ring kong alarm clock.na nakapatong sa maliit na lamesang kulay itim na nasa gilid lang ng aking kama.
Para huminto ito sa pag-iingay ay hinagis ko ito ng buong lakas.at maya pa bigla na itong nahulog sa sahig na malapit lang sa aking higaan.
Pero hanggang ngayon ay 'di parin ito tumitigil.Maya pa ay dinampot ko ito sa sahig.
"Takte naman eh?!"
napagtanto kong hindi pala ito ang nagri-ring.nakarinig ako ng ibang ingay pero ito'y nangagaling sa loob ng drawer ng maliit kong lamesa.Dahan-dahan kong tinungo ito para damputin ang c.p ko na nilagay ko sa loob non.patuloy lang ito sa pagtunog.
Pinagmasdan ko muna ang pangalan na nakalitaw sa screen ng aking telepono.bago ko pinindot ang answer botton para sagutin ang tawag."manong guard"
Naalala kong bigla ang sinabi ko kay kuya guard.nakapag may kakaiba siyang nakita ay balitaan niya agad ako.
At ano pa nga bang aasahan ko..
"Hello sir? Good morning po"ang pagbungad na tawag ng gwardyang nag-pagising sa aking ulirat."Pasensya na po kayo sa abala alam ko pong araw ng pahinga niyo ngayon kaya lang.pwede ko po ba kayong maka-usap ng personal?"
Ang seryosong tanong ng gwardya sa akin."Sige hintayin mo lang ako kuya."ang tugon ko sa kanya.napahikab pa ako ng matapos akong mag-salita.
"Sir Yael?mayroon po akong ire-report sana sa inyo, importante lang po.mas maiigi kung makikita niyo po ito ng personal"ang ulit niyang sabi...
ayaw kong magalit sa kanya kaya mahinahon ko nalang itong sinagot."wala pong problema kuya."
"Sir sorry po talaga sa abala."Ang paghihingi pa nito ng tawad.
ilang minuto lang ang nakalipas ng magmadali akong makarating sa School. para makita ang tinutukoy ni manong.pagkatapos kong mapark ang aking sasakyan,dali dali ko ng tinungo ang kinaroroonan ni kuya.
Pinasunod niya ako sa kanya,at ilang minuto lang ay narating na namin ang lugar at maya pa ay may ipinakita ito sa akin.
"boss nakita ko po itong dalawang basyo ng bala.kung saan namatay si Bogart.yung kasama ko pong gwardya.yo'ng isa nakita ko sa tabi ng akasya.at ito naman pong isa ay nakita ko po malapit sa pader.mukhang hindi po ito napansin ng mga pulis ng mag-halughog sila dito dahil nga po madamo.
"eto pa po boss ang hindi nakita ng mga pulis sa lugar ng krimen" ipinakita nito sa akin ang isang pulang papel na may itim na tinta at nakasulat ang mga salitang.
"Dalawa kong kahon, buksan walang ugong."
-(SHADOW)
"saan mo nakita 'to kuya?"ang tanong ko kay manong guard.
"doon po sa may talahiban Sir.nag-lakad lakad po kasi ako ng oras na 'yon,isang araw pagkatapos namatay ni Bogart."ang paliwanag niya.
"sa totoo lang po kasi sir may tanim po kasi akong gulay doon sa tabi ng punong akasya.habang naglalakad po ako napansin ko po itong pulang papel para po sana itapon."ang pagputol niya at tinuro niya ang eksaktong lugar.
"Akala ko kasi baka isa sa mga kalat ng mga studyante.napansin kong maayos pa ito.nung binaliktad ko na tsaka ko po nakita itong nakasulat.ngayon ko lang po ito pinakita pasensya na po."
ang tugon nito sa akin.iniwan ko siya saglit at tinignan ang sinasabing lugar kung saan niya nakita ang papel.
"Ayos lang ho.ang hindi ko pa lubos maunawan.kung ano ang ibig nitong ipahiwatig?" ang sabi ko kay manong guard pagkatapos kong mabasa ang sulat.
YOU ARE READING
Code Red Iris
Mystery / Thrillerang storyang to ay galing lang sa aking imahinasyon. ang mga tauhan o pangalan ay gawa-gawa lamang at hindi kinopya kanino man. kung sakaling may kapangalan man ito sa toong buhay hindi ko po ito sinasadya. ang lugar at pangyayari sa storyang ito ay...