Chapter IV

82 33 0
                                    

...

isang buwan...

Isang buwan na din ang nakakalipas nung mangyari ang insidente.
Nag-conduct na din ng investigation sa di makatarungang pananakit 
sa akin.

Lahat ng posibleng suspect ay naimbistigahan na. pati si Francine ang kauna-unahang taong nagbanta sa akin ay na-usisa na din.
Sa kasamaang palad ay wala silang nahagilap na ni isa man lamang matibay na imbidensyang na mag-didiin sa kanya.

Ramdam ko parin ang takot at panganib sa paligid ko.gusto ko nalang bumalik sa singapore.kung saan ako lumaki at nag-kaisip.

Pinag-mamasdan ko nalang ang larawan ni papa na karga ako.nung ako'y 6 years old pa lamang.lumisan kami ng pinas noon, nung ako ay limang taong gulang at nangimambansa.buhat ng mangyari ang aksidenteng mag-papabago sa buhay namin.

.............

Year 2005

Naglalaro ako sa labas ng bahay namin noon,tiwala si mama na wala namang mangyayaring sa aking 'di maganda. kaya hinayaan nya akong mag-laro sa aming maliit na hardin.
Masaya naman akong nag-lalaro roon.

Sa kabilang bakuran nakita ko ang isang batang lalaki.na-naaktuhan kong nakatingin din sa akin.siguro'y nasa edad pito na ito.

"Hello!" Ang bati nito sa akin.at ginantihan ko naman ito ng ngiti.
Mula sa kanilang bakuran may napansin akong lumabas na isang maliit na nilalang.isang cute na puppy.isang  shih-tzu na kulay brown.

"Ang cute!"sa sobrang tuwa ko ay sinundan ko ito ng tingin.ngunit papunta ito sa maling dereksyon.hudyat para sundan ko ito ng tuluyan.kinuha ko siya at kinarga pabalik ng bakuran nila.

Wala akong malay kung ano nga ba ang meron sa  lugar na aking kinakatayuan.pagkat ako'y isang musmos na wala pa talagang alam.

Hindi ko napansin na nasa gitna na pala ako ng daan.saktong may humaharurot na puting kotse.sa liit ng aking katawan ay hindi yata agad nakita ng driver na aktong paparating. na nakatayo ako sa gitna ng daan,huli na ng napagtanto ng driver na ipreno ang sasakyan nya.

Hawak ang tuta mahigpit ko itong niyakap.alam mo yung moment na andon ka na?
sa iba madali lang sabihin na bakit hindi ka tumakbo?
May pagkakataon ka pa naman ng mga oras na iyon ah?

Pero kung ikaw na pala yung nasa sitwasyon na 'yon.parang mamagnet yung mga paa mo sa iyong kinatatayuan.
sabi ko sa aso.
"Puppy kapit ka lang ha?"ang matapang kong sambit,sabay yakap sa kanya.
Sinubukan ng driver ilihis ang takbo nya pero nabigo sya.

"Puppy ok ka lang?"ang sabi ko sa tuta.pareho na kaming nakahiga sa kalsada.buti nalang at ligtas siya.
Nakita kong lumapit ang batang lalaki sa akin.

Umiiyak ito at biglang sumigaw sa lalaking nasa loob ng sasakyan."Papa pls..Tulungan mo siya??!!".
Maya pa si mama naman ang nakita kong humahagugol sa iyak.

Para syang naestatwa ng makita nya ang maliit kong katawan na nakahiga sa kalsada.sinisisi nya ang sarili nya kung bakit ako narito ngayon.

"Di ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring 'di maganda sa iyo anak ko!" Ang pagtangis ni mama.
"Ma'am sorry po hindi ko po sinasadya".ang pag-mamaka awa ng lalaki kay mama.
"Walang mangyayari sa sorry mo kung wala kang aksyon na gagawin! ".

Tameme parin ito at hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.

"Damn you!" Ang galit na sabi ni mama.
"Ano pang itinu-tunga-tunga mo dyan?"
"Dalhin na natin siya sa hospital?!"
Ang ma-awtoridad na utos ni mama sa driver ng kotse.

"Misis hindi natin siya basta-basta pwedeng galawin" hayaan nyo po at tatawag na ako ng Ambulance para maka-siguro tayong ma-ililigtas  natin ang ang anak niyo.

Code Red IrisWhere stories live. Discover now