Sa dorm nina Jill at Mitch…
Mag-isa lang ako ngayon dito. Pagkahatid sakin ni Zander pagkatapos ng mala-pelikula naming eksena sa footbride kanina, hinanapan ko yung mga bulaklak na bigay niya ng lalagyan tapos nagshower ako at nagpalit ng damit. Habang nagpapatuyo ako ng buhok, hawak hawak ko yung cellphone ko at nag-iisip kung sino ba tatawagan ko para ikwento na nag-ala John Lloyd si unggoy kanina. Una kong naisip si Mitch kaso naman hindi pa kami ulit nakakapag-usap mula ng aminin niya na siya si Girl X. Akala niya yata galit ako sakanya.
Sa totoo lang nasaktan ako sa mga nangyari. I felt betrayed. Ang masakit dun, sa dinami dami ng tao hindi ko inakala na si Mitch pa ang makakagawa nun. Pero sa kabilang banda, I’m not the type who holds a grudge lalo na pag close sakin yung tao. I was raised by my parents na laging pinapaalalahanan na ang galit, pag inalagaan mo, nakakasira na nga ng ulo, nakakadumi pa ng puso. Lalo pa sa mga gaya ni Mitch na para ko ng kapatid, hindi ko kaya magalit ng matagal. Siya ang umiiwas. Dahil summer vacation na, mas madalas na siyang umuuwi ngayon sa bahay nila at natutulog nalang dito sa dorm pag mga araw na magkikita sila ni Rocky o kaya may aasikasuhin siya sa school. We haven’t talked for more than a week. Gustong gusto ko siyang tawagan para ikwento yung mga nangyari kanina pero ewan ko ba. Alangan namang tumawag nalang ako bigla habang nagtititili sa kilig… o pagkalito?
Instead of calling someone, natuyo nalang ‘tong buhok ko sa tagal ko magdesisyon kung sino ang tatawagan, nagmuni-muni nalang ako. Ano kaya nakain ni ungas at biglang napaamin siya? Oo sige, kinilig ako sa nangyari at sa mga sinabi niya. Sino ba namang hindi. Noon isa lang akong ordinaryong estudyante na pumapasok sa West Ridge University at rumaraket para kumita ng pera. Sinong mag-aakala na isang blog ang babago sa buhay ko. Si Zander… gwapo, mayaman, kilalang playboy at heartbreaker… aamin sakin na mahal niya ko?? Bakit ako? Bakit hindi sa iba? Bakit ako kinilig? Pero bakit din ako biglang nainis… nalito… natakot?
Totoo nga kayang nagbago na siya? O naaaliw lang siya at nachachallenge dahil nag-iisa palang akong babae na alam niyang hindi niya makuha? My gulay!! Hindi ‘to pwede. Minsan lang ako magmamahal sa buong buhay ko, wag naman sa taong siguradong sasaktan ako…
NOTE TO SELF: ONCE A PLAYBOY, ALWAYS A PLAYBOY.
Ay ewan! Ayoko na ‘to isipin. Nakakasakit ng ulo at nakaka…
*message alert tone*
Ano ba yan! Storbo sa pageemote!Message from UNGAS…
Home n me. Sleep n u?
Dapat dito kay Zander tumatawag nalang kesa nagtetext eh. Minsan kahit anong isip ko na ang gwapo niya napapa-iling nalang ako pag naaalala kong ganito siya magtext. Sa normal naming dynamics, either hindi ko siya rereplyan o sasagutin ko siya ng sigurado akong ikaiinis niya.
Paulit ulit nagplay sa isip ko…
“Jill, I’m in love with you….”
Jusmeeeeeeee!!! Napatakip nalang ako ng unan sa mukha at napatili sa kilig… o pagkalito?? Tsk! Ito na sinasabi ko… dahil sa sinabi niya lahat magbabago.
Nakalimutan ko siya replyan sa kakaisip ko ng kung ano ano. After a while, di ko namalayan, nakatulog na pala ko.
--
6am sa dorm…
*phone ringing*
Ano ba naman ‘to!! Wala namang pasok bakit parang forbidden pa din matulog ng mahaba at gumising ng late. Sino nanaman ba ‘to?!
BINABASA MO ANG
Project Why
Teen FictionIsa ka ba sa mga nag-abang ng Book 2 ng Project Ex? Wait no more dahil ito na yung solusyon sa pagkabitin mo. Samahan si Jill sa paghahanap sa isang mysterious letter sender. Team Zander, Team Paolo, o Team Kyle ka ba? Meet the new characters na mag...