Chapter 10: June 18

30.9K 759 195
                                    

7am sa dorm…

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang minartilyo ng sampung beses. Babangon na sana ako pero parang may nakapatong sa ulo ko sa sobrang bigat. Worst hangover ever. Pinilit ko pa rin bumangon kasi pag hindi pa ko tumayo, baka dito na ko sa kama maihi.

After peeing, naghilamos ako para magising ako ng konti. Pulled my hair back and looked at myself in the mirror. Shet Jillian. Nasa ulirat ka na pero mukha ka pa ring wasted. Napatingin ako sa damit ko. Naka-tshirt na ko’t shorts. Pinilit kong alalahanin kung papano ako nakauwi at sino nagbihis sakin dahil sa totoo lang, wala akong maalala. The last thing I remember was kausap ko si Mitch sa phone and that’s it. Suddenly, napahawak ako sa labi ko… Panaginip lang ba yun o totoo?? May hinalikan ba ko kagabi??

Lumabas ako ng CR at naisip kong gisingin si Mitch para tanungin kung ano bang nangyari pero nahiya ako dahil feeling ko antok na antok siya. Besides, ilang araw ko na iniistorbo tulog niya dahil sa mga kung ano anong kwento ko sa buhay so I decided to spare her morning with my drama. I’ll try to figure it out on my own but if I fail, saka ko kukulitin si Mitch.

Humiga ako ulit para mag-isip. Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang may nangyari kagabi na kailangang kailangan ko maalala. I still tried to remember anything after namin mag-usap ni Mitch sa phone kagabi pero nyemas! Wala talaga akong maalala. Tumayo na ko’t nagsimula mag-ayos ng mga gamit ko. Maaga shift ko ngayon at baka mag-overtime ako para makabawi sa hindi ko pagpasok kahapon. Kailangan ko ng dagdag kita kasi kulang pa pambili ko ng laptop and I need to buy one soon dahil malapit na magpasukan.

8:30am sa coffee shop…

Pumunta ako sa staff room para iwan yung gamit ko sa locker. Medyo nagmadali na ko mag-ayos kasi naunang dumating sakin yung bagong barista. Hindi pa kami tapos sa training niya. Nung palabas na ko ng staff room, nakita ko si Kyle nakatayo sa may pinto, may dalang dalawang cup ng coffee.

Kyle: (inabot yung isa kay Jill) Good morning.

Jill: (suddenly remembered how Kyle behaved before niya nakausap si Mitch sa phone) No, thanks. Punta na ko sa counter. Naghihintay na yung trainee.

Kyle: Jill sorry about last night.

Jill: Kalimutan mo na yun.

Kyle: Papano ko kakalimutan eh alam kong galit ka?

Jill: Kyle, nilasing mo ko kagabi. Ilang beses ko sinabing ayoko ng uminom but you didn’t listen. And worse, iniwan mo ko.

Kyle: I was just trying to have fun. And I wanted you to loosen up. Maybe I went a bit too far pero wala naman akong masamang intensyon.

Jill: Have fun by getting wasted? Dinamay mo pa ko. Alam ko na madaling tumanggi pero nilagay mo ko sa sitwasyon na alam mong hindi ako makakaayaw. (magwowalk out na sana pero pinigilan ni Kyle)

Kyle: (hawak pa rin yung dalawang cup ng kape) I’m sorry ok? I guess somehow I missed it. Getting drunk. Losing myself. Sorry for dragging you with me. Please let me make it up to you.

Jill: Mamaya na tayo mag-usap, Kyle.

Kyle: (humarang sa dinadaanan ni Jill) Jill come on… I said I’m sorry.

Jill: Kyle!! (medyo nagtaas na ng boses) Please!?!!

I didn’t mean to treat Kyle that way. Posible na isolated case lang ‘to. Na kagabi lang nangyari at di na mauulit pero naghahalo halo na nararamdaman ko. Inis sa nangyari kagabi, yung pagkairita na wala akong maalala, plus the massive hangover, lahat na.

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon