Dumaan ang maraming araw na naging normal na sakin yung nakikita ko si Zander. Text sa umaga, hatid sa coffee shop tuwing shift ko, minsan maghihintay siya sa coffee shop hanggang off ko, magdidinner kami ng sabay, ihahatid niya ko pauwi, jejemon text sa gabi, repeat the next day. Gusto ko masweetan sa effort niya. Alam kong hindi ‘to normal kay Zander pero nag-iingat pa rin ako. Hindi pa rin nawawala bangayan namin. Kahit ano ata gawin namin pareho hindi na namin maalis sa isa’t isa na mairita paminsan… well siya minsan pero ako madalas napipikon talaga. We fight… that’s our thing. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito pero alam ko sa sarili ko na kulang ang araw ko pag hindi kami nababadtrip sa isa’t isa o pag hindi ako nakakabasa ng jejemon text niya.
--
8pm sa coffee shop…
Na-late ng dating si Zander kaya nagovertime nalang ako ng isang oras. Sabi ko uuwi nalang ako mag-isa kasi masama pakiramdam ko pero nagpipilit na hintayin ko siya. Tumunog yung bell sa may entrance ng coffee shop. Dumating si Zander kasama sina Caloy at Paolo.
Zander: (lumapit sa counter) Sorry. Kakatapos lang ng practice namin.
Paolo: (lumapit din sa counter, kumaway kay Jill) Hi Jill! (humarap kay Zander) Ano bro? Gusto niyo ba sumama samin ni Caloy magdinner?
Zander: (tumingin kay Jill) Ok lang sayo?
Caloy: Ok ka lang ba Jill? Parang namumutla ka.
Jill: Ok lang ako. Medyo masama lang pakiramdam pero kaya naman.
Zander: Kaya pa naman? Tingnan mo nga itsura mo! Para kang magcocollapse any moment.
Paolo: (napatingin kay Zander) Bro , I think you better take her home. Kami nalang ni Caloy magdidinner.
Zander: (handshake with Paolo) Sige ingat kayo. (lumingon kay Caloy, humandhsake din)
Caloy: (tumingin kay Jill at kumaway) Pagaling ka Jill. We’ll go ahead.
Umalis na sina Caloy at Pao. Kinuha ko na gamit ko sa staff room at nagpaalam na kina boss. Inalalayan ako ni Zander palabas ng coffee shop. Hindi ko alam kung anong meron pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Nagdrive thru kami para bumili ng dinner tapos hinatid na ko ni Zander sa dorm. Bumaba si Mitch para alalayan ako paakyat. Buti nalang talaga dito muna siya umuwi sa dorm. At least may kasama ako. Hindi makakapasok si ungas dito kasi bawal lalaki sa dorm namin. Pagkaakyat ko sa kwarto, kumain lang ako ng konti kahit wala talaga akong gana tapos natulog na. Narinig ko yung phone ko na nagriring pero wala na kong lakas sagutin. Gusto ko lang talaga magpahinga.
The next day…
Nagising ako sa boses ni Mitch. May kausap sa phone. Akala ko si Rocky kausap niya pero pagkapa ko ng phone ko sa tabi ng unan ko, wala akong makapa.
Mitch: (may kausap sa phone ni Jill) Nilagnat siya eh. Sabihin ko nalang wag na muna pumasok sa coffee shop. Kaso kailangan ko umalis kasi may lakad kami ni Rocky. Can you drop by later to check on her? Try ko kausapin yung caretaker na patuluyin ka kahit 15 minutes lang.
Hindi ko na narinig yung mga sumunod na sinabi ni Mitch. Bumalik ako pagtulog. Sunod na pagmulat ko may naririnig akong boses…
“Jill……”
Lutang talaga ko. Naririnig ko pa din yung boses, lumingon ako para tingnan kung sino…
Zander: (nakatayo sa tabi ng kama ni Jill, may hawak na styro at disposable spoon and fork) Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot.
Jill: (medyo paos) Pano ka nakapasok dito??
Zander: Kinausap ni Mitch yung isa sa staff dito kaya pinayagan ako umakyat. Babalik si Mitch ng hapon. I’ll leave by then.
BINABASA MO ANG
Project Why
Teen FictionIsa ka ba sa mga nag-abang ng Book 2 ng Project Ex? Wait no more dahil ito na yung solusyon sa pagkabitin mo. Samahan si Jill sa paghahanap sa isang mysterious letter sender. Team Zander, Team Paolo, o Team Kyle ka ba? Meet the new characters na mag...