6am sa dorm…
Pagmulat ko nagflashback agad sakin yung nangyari kagabi. Feeling ko napanaginipan ko pa nga yata yung almost-first-kiss na yun. SHET!! Mauulit pa kaya? Hindi pa yun sa labi pero ganito na yung pakiramdam papano pa kung natuluyan nga? Ano ‘to zombie mode ng isang linggo? Gustong gusto ko ikwento kay Mitch pero late na siya umuwi kaya bitin ang kilig ko. Di ko ma-share. After my mind wandered, kinapa ko yung phone ko sa tabi ko.
2 messages received…
Message 1:
2am, from ZANDER…
“Can’t sleep. Thinking of u.”
Message 2:
5:30am, from KYLE…
“I had your shift changed today. Go to work by 8am. I need your help. See you later pretty girl :)”
BOOM KILIG! Pero wait… sa “thinking of u” ni Zander o sa “pretty girl” ni Kyle?? Hindi ko na kinaya, bumangon ako’t lumipat sa bed ni Mitch. Siniksik ko siya’t niyakap para magising.
Jill: Roommieeee… wake up! (niyugyog si Mitch)
Mitch: (antok na antok) I’m asleep!
Jill: Eh bakit ka sumasagot? (niyugyog ulit si Mitch) Please?! Di ko na kaya!
Mitch: (nakapikit pa mata, bedroom voice) Bakit ba?
Jill: Kami na.
Mitch: (napadilat sa gulat sa narinig niya, lumingon kay Jill, napasigaw) WHAT?!!!!! (napabangon, umupo sa kama niya, gulo gulo pa yung buhok) TELL ME EVERYTHING!! TELL ME EVERYTHING!!
Jill: (natatawa) Sabi na magigising ka eh!
Mitch: Ano na nga?!! How did it happen??!! Pano nagpropose si Z?!!!
Jill: Seryoso? Zander agad? Pano kung si Kyle pala?
Mitch: (nagtaas ng kilay) Weh??
Jill: (natawa) I was kidding. Walang nagpopropose. Hindi pa kami… ni Zander o ni Kyle.
Mitch: Buset!!! Akala ko pa naman juicy yung kwento mo!
Jill: Juicy nga…
Mitch: Hay! Ok fine. Nang-istorbo ka na rin lang ng tulog. Ano ba yun?
Jill: Hmm… roommieeeee… we kissed.
Mitch: OMG!!! Are you serious???
Jill: Well, hindi siya kiss as in kiss but he kissed me. As in dito (tinuro yung part na sobrang lapit sa lips niya na hinalikan ni Zander)
Mitch: Wait… sino ba pinaguusapan natin?? Si Kyle o si Z??
Jill: Si Zander.
Mitch: Wuhooooo!!! (halatang kinikilig) TELL ME MORE!!! DETAILS!!! How did it feel?!
Jill: (napahawak sa magkabilang pisngi niya habang nagpipigil ng ngiti) Ehhhhhhhh…..
Mitch: WHAT?!!! TELL ME!!! Umamin ka!! Kinilig ka!!!
Jill: (nakaupo pa rin sa kama ni Mitch habang hawak magkabilang pisngi niya, tumingin kay Mitch habang nakangiti, tumango) Um um…… :’)
Mitch: So what now?!! What now!!!?? Kayo na?? Sasagutin mo na?!!!
Jill: Teka roommie ah, dahan dahan. Sasagutin agad?
Mitch: What’s stopping you ba? Nagdududa ka pa rin sa intention niya?
BINABASA MO ANG
Project Why
Teen FictionIsa ka ba sa mga nag-abang ng Book 2 ng Project Ex? Wait no more dahil ito na yung solusyon sa pagkabitin mo. Samahan si Jill sa paghahanap sa isang mysterious letter sender. Team Zander, Team Paolo, o Team Kyle ka ba? Meet the new characters na mag...