Chapter 3: Meet Kyle

24.9K 486 85
                                    

Lutang ako the past few days, hindi sa pagod, hindi sa stress, kundi sa mga nangyayari samin ni Zander. Nandun pa din yung bangayan paminsan. Nagkakapikunan pa din pero hindi na ganun kadalas. May mga pagkakataon na hindi pa din ako ganun kakumportable pag nagiging sweet si Zander pero siguro nakasanayan ko na din kaya nasasakyan ko na. Hindi ko na mabantayan yung galaw ko pag kasama ko siya di gaya noon na marami akong hindi masabi at magawa dahil naa-awkwardan talaga ko. This time nahahawakan na ko ni Zander sa kamay ng more than 3 minutes na hindi ko sasadyaing tanggalin. Nakakangiti na ko kahit paano sa harap niya na hindi ako laging nagpipigil out of worry na magfeeling siya’t maisip na nagugustuhan ko na siya. I can tell him how I feel about my life, my family and my work kasi in fairness sakanya, nakikinig siya. In other words… nagpapaligaw na ko sakanya ng matino.

Half day lang ako sa coffee shop ngayon. Nagpaalam ako kay boss kasi nagyaya mag-group hangout sila Mitch after ng training nila Rocky. Gusto ata manood ng sine.

An hour before my shift ends…

ZANDER calling…

(Oo nga pala, pinalitan ko na pangalan niya sa phonebook ko)

Jill: Hello?

Zander: I can’t pick you up later. Baka mag-extend kami sa practice. Can you go in the soccer field instead?

Jill: Ok. Sila Mitch?

Zander: Dito na tayo magkita-kita. I think tinawagan na din siya ni Rocky.

Jill: Sige.

Zander: Alright. I’ll see you later. Bye!

*end call*

After ng shift ko pumunta ako sa soccer field sa school. Dun na muna ako nag-stay sa may gazebo. Nakikita from here sina Paolo. Nagte-training pa. Wala pa si Mitch. Wala akong makausap kaya umupo nalang ako’t nanood ng training.

Sa panonood ko, hindi ko namalayan na may lumapit pala sakin na lalaki. Napansin ko nalang nung narinig ko siya magsalita…

“It’s you again…”

Lumingon ako para makita kung sino ba ‘tong kumakausap sakin. Unfamiliar face. Ngayon ko lang sya nakita dito sa West Ridge. But I can tell that his smile is sincere. Mukha siyang anghel actually. Fair-skinned, matangos ang ilong, matangkad ng konti, well-groomed, at para sa isang college student yung pananamit niya parang kapita-pitagan. He was wearing a white short sleeved polo na halos walang crease and blue jeans. Siya yung tipo ng gwapo na lilingunin mo hindi lang dahil sa itsura pero dahil sa ngiti niya. Ang ganda ng ngipin at ewan ko kung papano idedescribe pero… parang ang bait ng ngiti niya. Hindi ko rin na-gets yung sinabi ko pero basta yun!

Kyle: (nakatayo, makikipag-handshake) I’m Kyle.

Jill: (nakipagkamay din) Jill. Umm… sabi mo “it’s you again”? What do you mean?

Kyle: The first time I saw you here, you were wearing a dark blue dress. You were with a guy. I think nagmeet kayo dito. Maybe you were going on a date that day?

Jill: Ahhh. No. That wasn’t a date. Student ka din dito?

Kyle: No, not yet. Umm… can I sit beside you?

Jill: (kumunot yung noo) Hindi ka naman siguro holdaper o manyak ano?

Kyle: (natatawa, umupo) No, silly! Student ka dito I assume?

Jill: Oo. Bakit ka andito kung hindi ka naman dito nag-aaral?

Kyle: I came back from the States. Our family owns a business here and my dad wanted me to pick a school para lumipat nalang ako dito.

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon