8am sa West Ridge University...
It’s been 3 days since the last time na nag-usap kami ni Zander. I haven’t seen him since, wala na rin akong narinig. I tried calling him once just to apologize but he didn’t answer my call. I hate to admit it but I miss him… so much na tuwing naiisip ko siya minsan naluluha nalang ako. Hindi ko alam kung papano ko pa aayusin ‘to o kung maaayos ko pa ba.
Enrollment na today. Ilang tulog nalang magpapasukan na ulit. Ang rollercoaster ng summer na ‘to. Napakaiksing panahon pero sobrang daming nangyari. I don’t know what’s in store for me in the next coming days, months or year but I’m secretly hoping that Zander will still be a part of it.
Gumising kami ng maaga ni Mitch para hindi kami maabutan ng maraming estudyanteng mag-eenroll mamaya. Pagdating namin sa school, kinita namin sina Paolo at Rocky sa lobby ng university main building.
Paolo: (umakbay kay Mitch at Jill) Hi girls! Excited?
Mitch: No. As in big NO! (bumeso kay Rocky)
Rocky: Ang bilis. Pasukan na ulit.
Paolo: (tinanggal pagkakaakbay kina Mitch at Jill) We still have a few days kaya dapat sulitin na. Right Jill?
Tumango lang ako kay Pao. Naglakbay yung paningin ko dahil baka dumating si Zander.
Rocky: (nag-fake cough, nang-aasar) May hinihintay ka pa bang ibang dadating Jill?
Jill: Ha? Hindi. Wala. Natutuwa lang ako kasi konti palang tao. (hinila si Mitch) Tara na nga! Para matapos na.
Dumiretso na kami sa gym dahil doon usually yung area ng enrollment for all courses. After an hour, natapos na rin kami nina Rocky. Paglabas namin sa gym, nagyaya si Paolo kumain sa cafeteria. Hindi ko man aminin sakanila Paolo pero totoong ineexpect kong darating si Zander. Baka sakali pag nagkita kami hindi na niya ko magawang iwasan dahil no choice siya kundi kausapin ako. Nauna na kaming umupo ni Paolo.
Paolo: (bumulong kay Jill habang hinihintay sina Rocky at Mitch makabili ng pagkain) He’s not coming.
Jill: Ha? Sino?
Paolo: Si Z. We talked last night. Mamaya pa yun mag-eenroll. Sabay na daw sila ni Caloy.
Jill: (uminom ng iced tea na binili niya) May iba pa ba siyang sinabi sayo?
Paolo: I know what happened, if that’s what you intend to ask.
Naputol yung usapan namin nung dumating na sina Mitch at Rocky. Nagkwentuhan lang kami at nabanggit nila kung ano pa mga plano nila before the class starts in a few days. Hindi ko din halos nagalaw yung burger na binili ko dahil wala akong gana kumain. Sa gitna ng kwentuhan namin, biglang tumawag si Kyle. I went out of the cafeteria para sagutin yung tawag.
Kyle: Hi Jill. Nasan ka?
Jill: Nasa school pa. Enrollment namin eh. Nagleave ako today, hindi ba nasabi ni boss sayo?
Kyle: I didn’t ask him. And I didn’t call naman about work.
Jill: So why did you call?
Kyle: Umm. I want to ask you out. Tonight sana.
Jill: What time? And saan?
Kyle: My cousin invited me kasi sa Club Wee. He’ll go out with his friends. I thought of inviting you. Do you want to join us?
Jill: Sure ka gusto mo na nandun ako?
Kyle: I miss drinking and partying but I’ll enjoy more kung nandun ka.
BINABASA MO ANG
Project Why
Teen FictionIsa ka ba sa mga nag-abang ng Book 2 ng Project Ex? Wait no more dahil ito na yung solusyon sa pagkabitin mo. Samahan si Jill sa paghahanap sa isang mysterious letter sender. Team Zander, Team Paolo, o Team Kyle ka ba? Meet the new characters na mag...