Chapter 9 - Chocolates

275 8 0
                                    

Bumaba agad ako nang matapos akong magbihis. Ilang minuto rin akong nakatunganga sa loob ng kwarto ko bago makapagdesisyon kung ano ba talaga ang susuotin ko. Sa wakas nga, nakalabas akong maayos ang suot. Isang Highwaist faded jeans at white blouse na inipit ko dito sa hawak ko. Tinernohan ko nalang ng sapatos na Nike na kulay white na color pink naman ang check na logo nito.

Nakita ko si Vyron na nakaupo sa isang couch dito sa waiting area. Nakadekwatro at pinatong ang dalawang kamay sa ulo ng couch. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako nakita. Dahan-dahan akong tinungo ang daan papunta sa kanya. Sa bawat tapak ko sa marmol na daan. Binagalaan ko ito. May kasalanan pa ito sa akin eh, kaya maingat akong humakbang.

Tatlong hakbang nalang siguro ng abutin ko ang tainga nito at pinisil ng hindi gaanong kalakas. Pero sumigaw ito kaya halos lahat ng tao dito pati sa receptionist ay lumingon sa amin.

Bigla akong tumayo ng matuwid at siniko ang mukha ni Vyron na hinihimas-himas ang kanyang tainga kung saan pinisil ko. Nahihiya akong yumuko para hindi ko sila makita. Nakakahiya!

"Ba't mo ginawa yun?" Isang kunot na noo ang naabutan ko sa kanyang mukha at namumula ang mga ito.

Tumawa ako dahil sa mukha niya.

"Duh! Mas lalo kang pumangit niyan." Asar ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ang sakit talaga!" Puna niya sa akin. Tinignan ko ang mukha niya ng maigi. Mukhang nasasaktan talaga ito dahil hindi pa nawawala ang pamumula ng kanyang mukha at tainga kung saan piningot ko kanina.

"Ang OA mo naman! Akala mo kung hindi lalaki eh." Pagtataray ko sa kanya at inaya ko na ito. "Ano? Hindi pa ba tayo aalis dito? Tara na! Baka magbago isip ko." Sabi ko at naunang tumayo sa kanya.

"Tss. Tara na." Tumayo ito at binulsa ang dalawang kamay at naunang maglakad sa akin.

Hinabol ko ito at sinabayan maglakad. Nahiya ako sa tangkad niya. Sa dibdibab lang ako dito sa kanya. Kung siguro wala rin akong sapatos na suot, mas nahihiya talaga ako sa height ko. Binuksan niya ang pinto para makalabas kami. Umikot kami at pumunta sa Parking Lot. Naghihintay ang kanyang itim na sasakyan. Mukhang bago o bagong linis lang? Ang yaman talaga nitong unggoy na 'to.

"Saan tayo kakain? Minutes to go and it's already ten. I'm already hungry. May isa kasi dito na ang bagal kumilos." Tinaasan ko siya ng kilay at galit na tinititigan.

Ngumisi ito sa akin at inikutan ako ng mga mata. Ewan ko lang talaga kung isa rin ba siya sa mga serena. Minsan nakakainis at nakakapikon din to. Sasapakin ko na sana siya ng umikot ito sa driver seat at binuksan ito. May inis sa mukha akong pumasok sa loob ng kotse niya at malakas na sinara iyon. Nagulat ito at tinignan ako.

"What's that for?" Tanong niya sa akin. Inikutan lang ito ng mga mata at pinagcross ang aking mga kamay sa aking dibdib.

Ngumisi ito sa akin kaya tinignan ko siya ng masama. Yung atensyon na nandun sa backseat kaya tumingin nalang din ako matuwid sa labas na ang makikita mo lang ay ang mga sasakyan na nakaparada.

"Oh, sayo na." Napabaling ang tuon ko sa kanya. Tinignan ko ang mga mata niya na tinignan din pala ako. May ngiti ito sa mga labi kaya kumunot ang kilay ko.

"Kunin mo." Sabi nito sa akin kinuha ang mga kamay ko at may nilagay siya na hula ko ay mga plastics na tonog.

Bago ko binalingan ang binigay niya sa mga kamay ko. Inirapan ko pa siya pero tumawa lang ito at hinarap ang manubela. Inikutan ko nalang siya sa aking mga mata at binalingan ko ang binigay niya sa akin. Isang puting plastic ang nasa mga kamay ko. Hindi naman malaki pero sakto lang sa mga kamay ko. Nakatali pa ito sa sariling hawakan.

Love Is Not Perfect (CTBL Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon