Chapter 11 - Mine

291 8 0
                                    

Palabas na kami sa Cinema. Nageenjoy ako sa The choice na movie. Ang ganda ng plot na yun. Their stories are awesome. Akala ko nga hindi talaga sila magkalatuluyan pero in the end, nagkabalikan sila at nagpakasal at may mga anak na. Naiiyak pa nga ako kanina sa loob.

"That's was great! I enjoy the movie a lot." Bulalas ni Vyrone nang makalabas kami sa siksikan ng mga tao kanina sa loob dahil sa paglabas namin.

"Oo, eh. Parang gusto ko yung mga doctor. Ang gwapo niya."

Ang gwapo naman kasi non eh. American na american ang pangangatawan talaga. Ang hubog ng katawan niya. Yung mukha niya at ang kilos. Napakalalaking dating.

"Tch. I'm more than handsome with him. Matanda na yun."

"Mas gwapo siya sayo noh. Mas malaki nga katawan niya sayo eh."

"Ah really? Yun ba talaga tipo mo? Mas lamang parin ang kagwapuhan ko don. Pangit yun."

Yung ngisi ko kanina. Napalitan talaga ng tawa. Sobra akong natawa sa kanya. Hindi talaga magpapatalo eh. Edi siya na ang gwapo.

"Mas gwapo siya sayo, period."

"Tch. Mas gwapo nga ako sa kanya."

"Wag kang umangal. Pangit ka!"

"Ang gwapo ko kaya! Tignan mo."

HANGGANG ngayon nangungulit parin ito sa akin. Mas gwapo raw kasi siya sa lalaking bida sa The Choice. Tuwang tuwa talaga ako at siya naman naiinis na napipikon dahil ayaw magpatalo. Ang ingay ingay namin dito sa mall.

"Oh sige na, mas gwapo ka na ron." Suko ko nalang at tumawa sa mukha niya.

Nagkasagutan kami kasi dahil sa mas gwapo raw siya. Kaya sumuko nalang ako kasi pinagtitingan na kami ng tao rito sa loob ng mall. Nakakahiya.

"That's good. Mas gwapo talaga ako ron." Proud na proud siyang sumagot. Napailing nalang ako sa kanya at napapangiti sa kanyang kinikilos.

Tumingin ako sa gawi niya. Nakatingin ito sa relo niya at pagkatapos sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kanya ganun rin siya. Pero agad ko rin iniwasan dahil naiilang ako.

"It's two pm in the afternoon. What should we do now?" I heard him asked me.

Sinulyapan ko ito at bumalik sa harap ang aking mga mata. At mismong pagharap ko, nakita ko ang BIBO. Katulad din ito sa World of Fun. Binalingan ko ulit si Vyrone na nakatingin parin pala sa akin. Nginitian ko ang mga ito. Ang talim kasi makatingin eh. Yung tutok na tutok ang mata niya sa akin. Para iwas ilang nginitian ko ito.

"Tara, maglalaro muna tayo!" I cheerfully said to him. At bigla ko siyang hinila sa papulsuhan niya.

Bumili kami ng cards ng Bibo at naghahanap ng pwede naming laruin. Dalawa yung binili namin tag-iisa kami. Fifty tokens yung isang card. Ewan ko lang kung mauubos namin 'to.

Sinimulan namin sa Guns Machine. Hindi ko alam ang tawag dito. Yung binabaril ang nasa sa harap ng monitor or LCD ng computer. We position ourselves to get ready. Nasa kanan siya at ako ang nasa kaliwa. Simula hanggang sa matapos wala akong nabaril. Wala akong tinatamaan. Kaya sa inis ko binitawan ko yung baril at huminto na. Si Vyrone lang ang nagpatuloy na tuwang tuwa sa mukha ko na inis na inis.

"Arcarde tayo!"

TATLONG ORAS ang aming oras sa paglalaro hanggang naisipan naming kumain. Hapon na nag silipin ko ang oras. Narito kami sa KFC kumain ng hapunan. Baka sa pag-uwi ko, nakasalampak na ako sa kama at tulog. Medyo inaanok na rin kasi ako.

Love Is Not Perfect (CTBL Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon