Chapter 14 (Unknown Feelings)

12 0 0
                                    

-JOSH POV-

“Angel…”

“Bakit Josh?”

“Can I court you?”

“Ha? Hindi kita marinig”

JS kasi namin ngayon at were having our section parade right  now.. Ang lakas kasi ng sounds!! Partner ko sya and I take this chance to ask her again.. hindi ko palalagpasin ‘tong araw na to hangga’t hindi ko ulit sya natatanong..

“Sabi ko ang tangkad mo ngayon!! Ahahahhah XD”

“Loko loko! Ang sakit na nga ng paa ko.. hindi naman ako sanay mag suot ng ganito kataas na sapatos..”

“hahahah pero ang ganda mo..”

“Ahahha ngayon lang ‘to”

We chat a lot habang nag paparade pero pinili ko munang huwag syang tanungin tungkol sa panliligaw ko.. maybe on the dance floor later.. after ng parade, umupo na kami sa assign table and chairs para sa section namin.. I saw Nicole with Kevin.. ahahha ang ganda ng bestfriend ko!! Pero mas maganda parin si Angel..

Nakakainip yung program.. kung hindi siguro candidate si Nicole for the prom queen, baka natutulog na ako.. But then, after ng program, the time we’re waiting for…. The dance floor is ours. Hinanap ko kaagad si Angel para isayaw.. but I saw her with Kevin.. nag-uusap sila.. I wait and wait and wait for her.. hindi sya isinayaw ni Kevin.. pag-alis naman ni Kevin ay agad ko syang nilapitan. Yinaya ko syang sumayaw pero sabi nya kakain na muna sya…

Again, I wait and wait and wait hanggang sa nakaramdam narin ako ng gutom kaya napagpasyahan ko ng kumain.. habang kumakain naman ako, I saw Kevin again. Palapit sya kay Angel akala ko isasayaw sya pero hindi.. umalis din si Kevin.. binilisan ko ng matapos ang kinakain ko at niyaya ulit si Angel..

“tara ^-^” pagpayag nya sa alok ko.

Ang saya saya… we chat a lot again hanggang sa…

“Angel.. can I court you?” naisipan kong itanong sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

“Hmm.. yes..”

“Are you sure with that?!”

“Yup you can.. I think its time for the 2nd chance :)”

“Angel! I swear! I will not waste this 2nd chance!” grabe! Hindi ko inaasahang papaya na sya! Niyakap ko na lang sya dahil sa sobra kong saya! Hindi ko alam ang mga sasabihin ko..

“Thanks Angel” after naming sumayaw ay inihatid ko na sya sa chair nya..

Ang saya talaga.. I went to Nicole to ask her for a dance. Syempre! Bestfriend ko yun. Hindi pwedeng hindi ko sya isayaw this night at sabi din ni Angel sa akin, just enjoy this night. :)

-ANGEL POV-

Ang saya saya this night.. nag-usap kami ni Kevin kanina. We talk a lot of things especially yung tungkol sa hindi nya pagpapakita sa akin mula nung pasukan. Masyado lang pala syang busy kaya hindi sya nakakapunta sa room at minsan nakikita nya daw ako pero di ko lang sya napapansin. XD

Habang nag-uusap kami, parang hindi ko na sya kilala.. parang may nag-iba sa kanya.. hindi ko alam kung gaano katagal kaming nag-usap pero naputol lang yun ng may lumapit sa kanyang kaklase nya at may kailangan daw syang gawin..

“Sige Angel, mamaya na lang ulit.”

“Sige sige.” Umalis sya kasama yung kaklase nya. Parang nabitin ako sa pag-uusap naming.. yung parang gusto ko pa syang maka-usap ng matagal…

Long Time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon