Chapter 19 (Again)

10 0 0
                                    

-ANGEL POV-

Bago ako umuwi noong araw ng graduation namin ay tinawag ako ni Kevin. Binigyan nya ako ng gift. Pagdating ko sa bahay ay binuksan ko na.. keychain sya na may Crescent Moon shape.. at may letter..

To My Bestfriend, Angelica Mae Dela Cruz

Hi best! Happy Graduation day!! Ahahah OA ba. Ayan, Crescent Moon na keychain! Wag mo iwala ha. Anyways dahil marami pang space, Sana kahit graduate na tayo, walang kalimutan at sana wag kang magabago.Take Care lagi ha!!

Your Best Friend,

Kevin Lustre

Sa mga lalaki, hindi normal ang magsulat ng letter dahil para sa kanila babae lang ang gumagawa noon. Pero kung ang Lalaki, gumawa ng letter para sayo. Thats what we call EFFORT.

Effort si Kevin. Kaya mahal ko sya eh! Ahahah pero bilang kaibigan na lang siguro ‘to.

Dumating ang araw ng pasukan at Engineering ang kinuha kong kurso. Nagulat ako ng Makita ko si Kevin sa room ko.

“Hoy best!” tapik ko sa kanya at mukhang nagulat rin sya sa akin.

“Hala! Anong gingawa mo ditto?!”

“Ako nga dapat nagtatanong nyan sayo! Ano bang kinuha mong course?”

“Engineering!”

“Hala! Wag mong sabihing magkaklase tayo?!”

“Ano bang section nakalagay dyan sa registration form mo?”

“1-D... baka naliligaw ka lang!!”

“1-D rin ako!! Hala! Magkaklase nga tayo!!”

“Ahahhah pagkakataon nga naman!”

Magkaklase kami.. hindi ko alam!! Naubusan kasi ako ng slot for HRM.. 2nd choice ko yung Engineering at saka hindi ko alam na ditto din sya mag-aaral..

Pagkatapos ng time namin, sabay kaming lumabas ng school. Sabay na sana kami uuwi ng Makita ko si Josh na nasa labas ng gate.

“Anong ginagawa mo dito Josh?” agad na tanong ko sa kanya paglabas naming ni Kevin sa gate.

“Edi sinusundo ka.. oy pre! Ditto ka rin pala nag-aaral! Ahahha” biglang bati nya kay Kevin.

“Oo nga eh! Hindi ko nga alam na ditto rin mag-aaral si Angel.”

“Alam mo Josh magkaklase kami!!”

“Ganun!”

“Pero teka nga Josh, bakit mo pa ko sinundo? Wala ka bang pasok?”

“Ahahah wala pa kaming pasok.. next week pa simula ng klase naming.” Sa ibang school kasi sya nag-aaral. IT student.

“Sige mauna na ako ha.” Biglang paalam ni Kevin

“Ahahah sige pre.”

“Sige best. Ingat! J”

“Sige sige. Kayo rin.”

Pag-alis ni Kevin ay dumiretso kami ni Josh sa isang resto at doon kumain. May binigay syang bracelet sa akin na may hearts. Ang ganda.

Pagtapos ng ilang months na panliligaw sa akin ni Josh ay sinagot ko na sya.. He really give an Effort.. kahit magkaiba kami ng school, patuloy nya akong nililigawan and he really deserves my yes.

Naging kami nga ni Josh.. pero sa tuwing nakikita ko araw araw si Kevin sa school ay parang bumabalik yung nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili ko kung may gusto pa ba ako kay Kevin sa tuwing nakakaramdam ako ng selos sa mga babaeng kasama nya. Pero alam kong mali yun dahil alam kong may boyfriend na ako kaya mas pinili kong layuan na lang ulit si Kevin bago ako tuluyang mahulog ulit.

Pero.. bakit kaya ang tadhana, napaka mapaglaro.. Kung sino yung gusto mong iwasan ay syang mas lalo mong makakasama. Dapat kong iwasan si Kevin pero mas lalo ko syang nakasama dahil sa mga school activities.

-KEVIN POV-

Nalaman kong sinagot na ni Angel si Josh. masakit pala.. akala ko magiging ok na ako. Pero mas masakit..

Ilang araw mula ng malaman ko yung tungkol sa kanila ay naka move-on na ako sa sakit. Masaya na ako na lagi kong nakakasama si Angel.. Kahit na bestfriend ko lang sya.. Pero, mas lalong naramdaman ko yung sakit ng biglang isang araw ay iniwasan ako ni Angel..

Kinakausap nya lang ako sa tuwing may kailangan sya sa akin.. Bumalik yung dating kami.. yung stranger ang turing sa isat isa.

Iniwasan ko si Angel hanggat kaya ko. Pero lagi parin kaming pinagsasama lalo na sa mga activity ng school kaya mas lalo pa akong nahulog sa kanya..

Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan

Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Di na papayag na ako'y iyong saktan na muli
At malimutan ang ating nakaraan
Di mo ba naririnig pintig ng aking dibdib?
Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan...

Lagi kong kinakanta ‘to lalo na sa tuwing nagkakasama kami. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero huli na ako.. Kahit sa pagkanta na lang siguro.

Long Time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon